Una sa Balita

Letter to the Editor 07/12/2016

0 72

Dear Editor:

Karamihan sa ating mga mamamayan ay  hindi pa alam kung ano ang pagkakaiba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police (PNP). Sa ranggo lamang ay magkaiba na at lalo na ang kanya-kanyang tungkulin, misyon, gawain at pananagutan sa bayan at sa sambayanan.

Ang Philippine National Police ay binuo mula sa mga tauhan ga­ling sa Philippine Cons­tabulary at Integrated National Police noong Enero 29, 1991. Ang pinaka-unang misyon ng PNP ay ipatupad ang batas, masupil at makontrol ang krimen at panatilihin ang peace and order.

Kaila­ngang masiguro nila ang kaligtasan ng sambayanan at ang seguridad ng bansa na may kaakibat ng tulong mula sa komunidad.

Samantala ang AFP ay may mandato sa ating Saligang Batas na siyang magprotekta sa samba­yanan at sa estado. Na may layuning mapangalagaan ang soberano ng bansa at integridad ng teritoryo ng bansa.

 Ang PNP ay sumasa­ilalim ng pamamahala ng Department of Interior and Local Government (DILG) samantalang ang AFP ay nasasakupan ng Department of National Defense.
Gumagalang,

Nicanor A. Crisostomo
Quezon City

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy