Una sa Balita

Letter to the Editor 07/07/2016

0 142

Dear Editor,

Matindi ang binita­wang salita ni Pangulong Duterte sa kanyang speech sa Change of Command ng AFP. Tinataya niya ang kanyang buhay at ang kanyang pagkapangulo laban sa mga kriminal ng lipunan lalo na sa mga drug lords.

Saan ka ba naman makakita sa buong mundo na ang drugs ay niluluto sa loob ng kulungan? Eh, di may sabwatan at bayaran sa mga nangyayari. Kunwari lulusubin ng mga opisyales ng Aquino administration ang kulungan ‘yon pala naka timbre na. ‘Yan ang sinasabing Moro-Moro Effect.

Kaya minsan yong pinapalabas sa T.V. at sine ay base sa tunay na pangyayari. Talagang tila telenovela ang effect. Magaling ang mga writers ng mga telenovela sa T.V. Totoong nangyayari sa lipunan.

Kailangang talaga ang mamumuno sa atin ay iyong may political will, may strong determinasyon para magkaroon ng pagbabago. Ito ang sinasabi noon ng isang manghuhula na ang bansang Pilipinas ay uugain ng mga pangyayari.

Magigising at muling baba­ngon upang tuwidin ang kanyang pagkakamali. Kapag nakamit na ang katiwasayan at kapa­yapaan ay lalong sasagana ang bansang Pilipinas. Nababanaagan na ang bukang liwayway ng pagbabago.

Paquito A. Acopio
Cubao, Quezon City

***

Dear Editor,

Maganda ang mga layunin na gustong ipatupad ni President Duterte sa kanyang administrasyon. Maninindigan daw siya sa kanyang mga babala laban sa mga tiwali at kriminal lalo na pag sangkot sa iligal na droga. Hindi pa siya nauupo ay marami ng nahuling kriminal na sangkot sa droga, lalo pa siguro ngayong opisyal na ang kanyang pagka presidente.

Ayaw din niyang pahirapan ang mga tao sa pagkuha ng mga dokumento na kailangan sa iba’t ibang departamento. Ito na siguro yong pagkuha ng birth certificate, mga permit, clearances at iba pa sa iba’t ibang sangay ng gobyerno. Maganda ito kasi ‘yong iba pa yung tin.

Ako ay lumuluwas pa ng Maynila upang kumuha ng kailangang dokumento, tapos marami pa palang kulang sa mga dalang papeles, balik na naman.

Ito ang pinakagusto kong order ni President Duterte kasi marami akong kilala na nagre­reklamo dahil sa tagal ng pagrelease ng mga kailangang documents, isa na ako dun, Thank you Mr. President.

Ray John Camba
San Fernando City

***

Dear Editor,

Hindi naman natin masisi ang kapulisan kung bakit ngayon lamang sila nagpursiging patayin ang mga drug pushers, drug lords at iba pang may konektado sa drugs. Dahil hindi naman sila baback-apan ng nakaraang admi­nistrasyon kapag nakapatay sila ng mga ganitong uri ng tao.

Kakasuhan pa sila at nangangambang balikan pa sila ng mga drug lords. Ngayon, si Pangulong Duterte na ang nakaupo at may basbas ang lahat ng ginagawa ng kapulisan. Hindi ba nagdeklara ng war si Pa­ngulong Duterte laban sa kanila? Kaya sumusunod lamang ang ating kapulisan. Na dapat naman talagang mahinto na ang paglaganap ng drugs sa ating bayan. Marami na ang naging biktima dahil ang mga salarin ay lungo sa pinagbabawal na gamot.

Itong si G. Edre Olalia, Secretary General ng National Union of People’s Lawyers nagsabi na kailangan ihinto ang pagpatay sa mga taong ito. Hindi ba ang mga taong ito ay siyang sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan dahil sa kanilang mga gawaing pagbebenta ng mga drugs? Sabi nga ni Pangulong Duterte it is time for retribution o kagantihan sa ginawa nilang masama.

Kaya saludo ako kay Pangulong Duterte. Si G. Olalia ay ikinokondina ang pagpatay sa mga drug people pero iyong pinapatay ng NPA na mga sibilyan, kapulisan at kasundaluhan ay wala kang marinig sa kanya. Kaya halatang panig itong si Olalia sa mga NPA, at ayaw ang real change ni Pangulong Duterte.

Ronel A. Alagar
Pasig City

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy