Una sa Balita

Letter to the Editor 07/05/2016

0 2

Dear Sir

Nakapag take oath na ang bagong president ng ating bansa, si President Rodrigo Duterte. Umaasa ang sambayanan na matutupad lahat ng kanyang pangako. Nag-umpisa na ito kahit hindi pa siya nakakaupo ang pagsupil sa mga taong sangkot sa droga. Marami na ang nahuli, sumuko at napatay dahil lumalaban pa imbis na sumuko.

Ang pagsugpo sa iba pang mga krimen ay isa pa sa mga pangako niyang gagawin. Pati korapsyon ay gusto rin niyang mawala na. Gusto rin niyang buhayin ang death penalty at gusto niya sa pamamagitan ng pagbitay. Peace talks sa mga Komunista at pagtuldok sa masamang gawain ng Abu Sayyaf. Isa pa, gusto rin niyang ibalik ang tiwala ng masa sa gobyerno.

Bakit hindi, panahon na upang wakasan ang masasamang dinudulot ng mga NPA, 47 taon na silang naghahasik ng lagim. Ang mga Abu Sayyaf naman nangingidnap upang humingi ng ransom, at mga foreigner pa ang mga biktima. Mga corrupt officials, tigilan na rin ninyo ang inyong mga saliwang ginagawa upang makinabang naman ang mga mahihirap. Umayos na kayo at baka masampulan ng death penalty.

Samuel Tenorio
Tarlac City

***

Dear Editor,

Mabuti naman nagkaroon na ng kasunduan ang Malaysia, Indonesia at Philippines na magkakaroon ng sea marshals sa mga karagatan na nasasakupan ng tatlong bansang ito. Nakapag nangyari ang kidnapping sa kanilang karagatan at hinabol nila ang mga kidnappers na papunta na sa ating karagatan mayroon silang permisong habulin ang mga kidnappers na ito. Subalit hindi sila puwedeng dumaong sa ating kalupaan na may armas.

Puwede lamang silang tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon at maging interpreter sa kanilang mga nationals na dinukot. At kailangan ding magkaroon sila ng koordinasyon sa ating awtoridad bago sila makarating sa ating mga daungan.

Magandang sinyales, na magkakaroon na ng linaw kung paano masusugpo ang Abu Sayyaf Group na ito sa kanilang pangingidnap. Dapat talagang tulung-tulong ang bansang naaapektuhan nang sa ganoon ay mapadali ang neutralization ng grupong ito.

Faye A. Dayap
Pasig City