Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR 06/27/2017

0 129

Dear Sir:

Kilala sa buong mundo ang grupong Islamic State of Iraq and Syria bilang malulupit na mga terorista. Ayon pa sa The New York Times naniniwala ang grupo na may karapatan silang manggahasa ng mga hindi tagapasunod ng relihiyong Islam. Mas napapalapit umano sila kay Allah tuwing nanggagahasa sila ng mga non-Islamic religion na kababaihan. Ito ang grupong iniidolo ng Maute terror group ngayon.

Nakakapagtaka lamang na bakit kinukundena at ginawang malaking usapin ng Gabriela at CHR ang pabirong sinambit ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa ‘rape’. Ni minsan hindi ko naringgang kinumpronta ng mga grupong ito ang ginawa ng mga teroristang naghahasik ng lagim. Bagkus, puro paninisi sa gobyerno ang kanilang ipinapakalat. Kaya naman panawagan sa CHR, Gabriela at iba pang grupong umeeksena, terorismo ang kalaban hindi ang gobyerno. Kaya naman huwag ituro ang lahat ng problema sa Pangulo at sundalo. Kahit saang anggulo tingnan, mga terorista ang kaaway at hindi ang mga tagapagtanggol ng bayan.

Anisa Bien
Tagum, Davao

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy