Una sa Balita

Letter to the Editor 06/26/2016

0 54

Dear Sir:

Pursigido talaga ang incoming Duterte admi­nistration na ituloy ang usapang pangkapayapaan para matuldukan na ang 40-year communist insurgency dito sa ating bansa. Maganda ang naisipang ito na unahin ang kapayapaan natin. Marami ang mabibiyayaan nito. Marami ang matutuwa.

Matagal ng naghahasik ng lagim sa lipunan ang mga rebeldeng grupo. Marami ng nasisira ang buhay, napapatay, naki-kidnap for ransom, nasusunog at iba pang krimen ang nagagawa ng mga grupong ito. Panahon na upang magbago sila ng pamantayan sa buhay. Sigurado pag natikman nila ang buhay na hindi patago-tago, walang kinakatakutan, sa bundok umiikot o nakatira, magsisisi sila kung bakit sila sumanib sa grupo o bakit hindi pa noon ginawa ang usapang pangkapayapaan.

Opinyon ko lang po ito bilang mamamayan na naghahangad ng kaunlaran at kapayapaan ng ating bansa.

— Johnny Sevilla
San Juan City

***

Dear Sir:

Nagbigay ng instructions sa mga sundalo ang incoming chief of staff ng AFP na si Lt. Gen Ricardo Visaya na ituloy lang ang military operations laban sa mga rebeldeng grupo kasama na ang NPA hangga’t hindi nagbibigay ng ibang alituntunin ang bagong administrasyon. Ibig sabihin ituloy lang ng mga sundalo ang pagtugis sa mga rebeldeng grupo.

Hindi dapat nagre-relax ang mga brigade at battalion commanders na naka-assign lalo na sa Mindanao bagkus ay pa­tindihin pa ang operasyon laban sa mga rebeldeng NPA. Magiging mahigpit pa lalo ang AFP laban sa paggamit ng drugs ng mga sundalo, ayon pa rin kay Visaya. At nagbabala rin siya sa mga sundalo na huwag maniniwala sa mga sabi-sabi tungkol sa coup d’état.

Maganda ang mga gustong mangayari ni Visaya. Panalangin ko lang na sana sa pag-upo ng bagong Presidente ng ating bansa, magiging payapa na ang ating isipan. Masyado na akong naguguluhan sa mga nababasa ko sa dyaryo at napapanood sa television.

— Samuel Tenorio
Tarlac City

***

Dear Editor:

Ginagawa tayong mga tanga ng mga Malaysian officials na sabihin ba naman na ang perang RM12 mil­yong katumbas sa atin ng P138 milyon ay hindi ransom money kundi ibinigay sa isang Special Branch ng ating gobyerno bilang kontribusyon sa isang organi­sasyon na tumutulong sa Islamic struggle na walang kinalaman sa mga terorista o kriminal.

Ang nakakagulat pa nito, pumiyok ang Abu Sayyaf Group (ASG) dahil ang nakarating lamang sa kanila ay P100 milyon lamang. Kanino at saan napunta ang P38 milyon? Patunay lamang ito na talagang may nagaganap na sabwatan sa pagitan ng ating mga awtoridad. Kanya-kanya silang hatian sa ransom money. Kailangan magkaroon ng masusing imbestigasyon upang malantad sa publiko kung sinu-sino itong mga personalidad na nakikihati sa pinaghirapan ng ASG.

Ngayon, isa pang masamang haka-haka. Bakit ang Malaysian officials ay hindi sumunod sa patakaran ng ating pamahalaan na — No ransom policy. Bakit nagbigay sila ng ganoong kalaking halaga? Hindi kaya isa rin itong pamamaraan na tunay na sinusuportahan nila ang mga terorista sa ating bayan? Dinadaan lang sa ransom payment?

— Nancito A. Edace
El Nido, Palawan

***

Dear Editor:

Nagsabi pala ang New People’s Army na mas lalong paiigtingin ang kanilang opensiba laban sa AFP at PNP hanggang sa pagbaba ng Aquino administration. Kaya pala panay-panay ang kanilang pag-ambush sa ating mga kapulisan at kasundaluhan. Matindi rin naman sila.

Imagine, humihingi sila ng peace talk sa incoming Duterte administration and then sa buong kapuluan ng ating bansa ay namamayagpag ang kanilang operasyon?

Nagtataka lamang ako kung bakit hindi kasali sa usapang pangkapayapaan ang NPA? Samantalang armed group nila ito.

CPP, NDF at pamahalaang Duterte lang ang mag-uusap? Dapat isama rin nila ang pinuno ng NPA. Baka naman meron din siyang ibabahagi sa usapan. Nang sa ganoon naman hindi siya maetsapuwera.

Kaya tuloy abot-abot ang paghahasik niya ng dilim nang sa ganoon nga naman mapansin din siya. May sarili ring mundo itong NPA. Hindi sumusunod sa CPP/NDF Central Committee. Kahit ipag-utos ang ceasefire, ayun tuloy-tuloy pa rin ang kanilang opensiba.

Para sa akin, CPP-NDF-NPA ay may kanya-kanyang component. May kanya-kanyang entity. Dahil hindi sila minsan nagkakatugma ng pamamalakad ng kanilang sistema. Iba ang sinasabi ng CPP-NDF at iba rin ang ginagawa ng NPA. Siyempre agawan ‘yan ng power. Hindi naman nawawala ang struggle of power sa isang orga­nisasyon.

— Teena A. Maturan
Don Antonio Heights, Quezon City

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy