Una sa Balita

Letter to the Editor 06/18/2016

0 67

Dear Editor:

Komporme ako sa mungkahi ni incoming Chief of the Philippine National Police, Chief Superintendent Ronald dela Rosa na ilagay sa Martial Law ang ilang lugar sa Mindanao lalo na sa Sulu kung saan nagkukuta ang Abu Sayyaf Group. Kung saan nga naman makokontrol ang mga residente sa kanilang paglabas-labas ng kanilang bayan. Higit pa rito mapuputol ang komunikasyon ng ASG at ang kanilang mga kakunsabang sibilyan sa ginagawa nilang pagdukot sa mga dayuhan at ang ating mga kababa­yan.

Inamin na rin ng ating mga kawal na hindi nila lubos na mapasok ang komunidad na kinarorounan ng ASG dahil na rin ang mga mismong residente ang kumukopkop sa mga ito at mismong nagtatago sa mga hostages. Ang ilan sa mga sibilyan na ito ay mismong kanilang mga kamag-anak. Papaano nga naman maiimplement ang operasyon ng militar? Maraming madadamay na mga sibil­yan kapag nagkaroon ng bakbakan at kapag nagkaroon ng direct action laban sa ASG.

Kaya sa tingin ko, mas malapit sa katotohanan ang pagpuksa sa ASG ay itong Martial Law sa Sulu. Kayang-kaya na ito ng ating kapulisan at kasundaluhan na naka-assign doon at kung naisin pa dagdagan pa ng ilang batalyon sa Sulu para sa ganoon epektibong magampanan ang operasyong ito. Total nandiyan naman ang CHR para magmonitor sa kaganapan. Kaya tiyak akong hindi ito aabusuhin ng mga pulis at sundalo.

Roy A. Dela Peña
San Pedro, Laguna

***

Dear Sir:

Nangyari na naman ang hindi dapat mangyari. Namugot na naman ang Abu Sayyaf.

Pinugutan ng ulo si Robert Hall, isang Canadian na hostage ng Abu Sayyaf dahil hindi nakapagbigay ng P600 million na ransom money.

Noong Abril 25, 2016 isang Canadian din na si John Ridsdel ang pinugutan ng Abu Sayyaf sa parehong dahilan.

Ganito na lang lagi ang ginagawa ng mga Abu Sayyaf. Ang lalaki pa ng hinihinging ransom. Ito lang kasi, sa palagay ko, ang pinagkukunan nila ng ikinabubuhay, ang pangi­ngidnap for ramson.

Ang sama naman nila, mga foreigner pa ang kanilang mga biktima na akala nila tatalima sa kanilang hiling ng ransom. Papano pa tayo papasyalan ng mga turista kung ganito ang nangyayari?

Siyempre matatakot na sila. Papano pa lalago ang ating ekonomiya e isa ang mga turista sa nagpapalago nito? At may nabasa pa ako sa isang dyaryo na ang pangyaya­ring ito ay para daw sa incoming president. Paano nangyari yon?

Panalangin ko lang na sana magwakas na ang masasamang gawain na ito lalo na pag-upo ng bagong Presidente ng ating bansa.

Alfonso Alcala
Baguio City

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy