Una sa Balita

Letter to the Editor 06/04/2016

0 0

Dear Sir:

Hindi po ako sang-ayon sa sinabi ni Jerome Aba, Spokesperson of the Suara Bangsamoro, ang sabi niya, “This is a continuing attack on the Moro people.”

Hindi kaya naisip ni G. Aba, na inaatake ng militar ang Maute grupo sa pamamagitan ng kanilang matinding puwersa mula sa himpapawid hanggang sa kalupaan dahil nga muling kinubkob ng grupong ito ang dating kuta sa Ragayan, Butig, Lanao del Sur?

Abante Hiring – IT dep

Binalikan ng Maute Group ang nasabing lugar dahil nakita nilang walang nangangasiwang militar sa lugar. Na ang buong akala ng ating mga kasundaluhan na kayang-kaya nang ma-maintain ng local government ang nasabing seguridad ng munisipalidad. Subalit ang laking gulat ng ating mga kasundaluhan nang mabalitaan nilang mu­ling kinubkob ang nasabing barangay. Muling naghasik ng karahasan ang grupong ito, sa katunayan ay pinugutan nila ng ulo ang dala­wang sibilyan na kanilang pinaghihinalaang espiya ng gobyerno.

Sa nangyaring ito, dalawang sundalo ang nasawi at 10 ang matinding nasugatan. Hindi pa ba sapat ito upang gumawa ng hakbang ang AFP ng isang matinding operas­yon laban sa grupong ito? Dapat na ipakita sa lahat na malakas ang puwersa ng ating AFP. Nang sa ganoon magkaroon naman ng takot ang mga taong gumagawa ng karahasan laban sa ating mga mamamayan.

G. Aba, hindi po tinutumbok ng ating AFP na kalabanin ang Moro people. Kinakalaban lang nila ‘yung mga grupong tunay na gumagawa ng karahasan sa samba­yanang Pilipino maging saan man ito mapadako. Huwag po tayong mag-isip ng negative side. Kapag po nasupil ng AFP ang grupong ito, hindi ba muling manunumbalik ang kapanatagan ng komunidad? Tala­gang magkakaroon po ng collateral damage dahil marami po ang maaapek­tuhang mga barangay sa nasabing operasyon. Pero pagkatapos po nito, muling tutunghay ang magandang bukas para sa mamamayan ng Lanao del Sur lalo na po ngayon na parating na ang mala­king pagbabago.

Gng. Elsa A. Piedad
Asawa ng Sundalo
Pagadian, Zamboanga del Sur