Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR 09/14/2017

0 6

Dear Editor,

Isang balita ang pu­mukaw sa aking pansin at ­dahilan kung bakit ako napasulat.

‘Di ba’t hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang Marawi ay itinuturing bilang Islamic State?

Abante Hiring – IT dep

Ang dating napa­kagandang Marawi na ngayon ay tila ­hindi na makilala dahil sa karahasang dulot ng ­teroristang grupong Maute. Marami ang napatay sa hanay ng mga sundalo, mga ino­senteng sibilyan at gayundin sa mga teroris­tang grupo.

Ngunit kailan nga ba matutuldukan ang madu­gong karahasan na ito? Ilang inosente pa ang kaila­ngan madamay ay mapatay?

Base sa aking nabasa, patuloy ang ­tropa ng gobyerno sa pagkum­b­insi sa mga natitirang tero­rista na sumuko.

At bilang isang ma­­­­ma­mayan na may pag­papa­halaga sa buhay, nais kong imungkahi na patuloy ­lamang nilang kausapin at kumbinsihin ang mga tero­rista na sumuko na upang matuldukan na ang karahasan at nang wala nang ibang inosenteng madamay.

Wala nang buhay ang magwakas dahil sa karahasan. At ng sa ­gayon, lalong tumibay ang pa­ni­­­niwala at tiwala ng mamamayan sa tropa ng gobyerno.

Mackie Lorenzo

Sto. Tomas

***

Dear Sir:

Nararapat lang ang binitawang salita ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na pupulbusin niya ang New People’s Army pagkatapos ng krisis sa Marawi.

Tama lang na ubusin na ang mga makakaliwang grupo na ‘yan. Hindi rin naman sila maawat sa pagpapapansin sa pama­­­halaan.

Tila gusto na rin naman nilang malagas kaya sang-ayon ako sa nais ni Digong na ubusin na sila.

Related Posts

Ano ba ang naitulong o napakinabangan sa kanila ng gobyerno at mamamayang Pilipino? Mayroon ba? Wala akong matandaang naibahagi ng NPA at makakaliwang grupo kundi kunsimisyon sa bayan.

Dana Del Rosario

Camarines Norte

***

Dear Sir:

Nangangatog na sa takot at baka mapaihi pa sa kinalalagyan nila ang mga dilawan at makakaliwang grupo na ayaw sa Martial Law.

Takot sila lumawig ang Batas Militar dahil sa apek­tado sila. Akala kasi ng mga makakaliwang utak ­papalawigin ang Batas Militar sa buong ­Pilipinas. Paano nga naman ‘yung mga kaalyansa nilang ­kanser ng lipunan?

Hindi nga naman sila makakapaghasik ng lagim basta basta ‘di ba? Mau­udlot ‘yung mga pa­ngi­ngikil, arson at iba pang kriminal na aktibidad nila.

Kaya nga sabi ni Digong sa panayam sa kanya, hindi siya si Marcos kaya ‘wag silang ipagkumpara.

Kaya sa mga dilawan at kaliwang utak talangka d’yan, relaks lang kayo. Dadahan-dahanin kayo ni Digong kahit hindi madeklarang nationwide ang Martial Law.

Jersan Arguilles

Mindoro

***

Meron ba kayong saloobin na gustong iparating sa patnugutan ng ABANTE o gustong ipaalam sa gobyerno sa pama­ma­­gitan ng inyong lingkod na dyaryong ito? Ipadala lamang sa email address na ito:

abante_editor@yahoo.com

Importante: Opsyon ng nagpadala kung hindi ipapabanggit ang kanyang pangalan at iba pang imporma­syon sa publi­kasyon ng sulat, pero kaila­ngang nasa email ang kumpletong pa­ngalan, contact number at address (for Abante file purposes). — Editor