Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR 09/09/2017

0 5

Dear Sir:

Samu’t saring kaso ang pinataw sa tatlong mi­yembro ng New People’s Army sa Quirino province.

Kabilang sila sa nasa higit 100 na umatake sa istasyon ng mga parak noong Abril 29.

Niransak nila ang istasyon dala ang mga laptop, armas at mga bala.Sana magawan ng paraan ng gobyerno na mahuli ang mga NPA na nagkakalat ng kasamaan sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Sila ang dahilan ng takot sa ating mga mamamayan.

Sila ang dahilan kung bakit may mga lugar na hanggang ngayon ay hindi umuunlad. Sila ang dahilan kung bakit maraming ino­sente ang namamatay at mga sundalo na nagbubuwis nng buhay.

Sana lahat din ng nasa gabinete ng pangulo na makakaliwa alisin na. Iniluklok sila sa pwesto para may boses ang kanilang grupo, ngunit wala tayong nakitang kahit anung magandang pagbabago bagkus lalo pang lumala ang rebelyon at te­rorismo.

Mark Talledo Cebu

***

Dear Sir:

Ngayon mababakas na ang malaking pondong kakailanganin sa pagbangon ng Marawi. Aabot sa P56 bilyong halaga ang kailangan punan ng gobyerno.

Ganito kalaki ang pinsala at perwisyong dulot ng terorismo sa ating bansa. Ito ang ibinigay na sakit ng ulo ng Maute-ISIS group sa ating bansa.

Bukod pa rito ang mga buhay na nawala ng dahil sa gera at mga ari-ariang ni sa hinagap ay hindi mo masusukat akalaing maglalahong parang bula.

Dapat paigtingin ng ating pamahalaan ang kampanya kontra terorismo ng sa gayon ay maiwasan na muling maganap ang ganitong pangyayari.

Dapat na pairalin ang mabigat na kapangyarihan ng batas upang hindi rin tayo basta-basta pinapasok ng mga terorista.

Palakasin pa sana ang kampanya para sa seguridad ng ating bansa.

Nikki Pabulayan Fort Bonifacio, Taguig

Related Posts

***

Dear Sir:

Nasagip ng Philippine Marines in the Joint Task Force Sulu ang dalawang Indonesian nationals sa kamay ng mga Abu Sayyaf. Nasagip ang mga ito sa Barangay Bunot, Indanan.

Sa naganap na engkwentro napatay ng mga sundalo ang 5 sa mga Abu Sayyaf.Sa mga panahong ito, mababakasan na sa ating mga kababayan ang unti-unting namumuong pakikipagtulungan nila sa otoridad.

Sawa na sa matagal na pagdurusa at takot ang ating mga kababayan. Sana ipagpatuloy nila ang suporta sa ating gobyerno at otoridad upang malagas na ang mga teroristang nagdadala ng malaking problema sa ating bansa.

Jamaica Rey Composetela Valley

***

Dear Sir:

Ibinunyag na ni Col. Edgard Arevalo ng AFP Public Affairs Office na may kinalaman sa terorismo ang dalawang Pilipinong nasakote sa Kuala Lumpur sa Malaysia.

Kasama ng mga ito ang anim na Malaysian nationals. Si Hajar Abdul Mubin na kanang kamay ni Abu Sayyaf Group sub-leader Furuji Indama sa Basilan ang kinumpirma ng AFP na isa sa nasabing nahuli.

Isa na ito sa posibleng bunga ng pakikipagtulungan at ugnayan ng Pilipinas sa bansang Malaysia at Indonesia kontra terorismo.

Isa rin ito sa paraan upang mapigilan ang patuloy na pagrerekrut ng mga miyembro ng mga teroristang grupo hindi lang sa Pilipinas at Asya kung ‘di sa buong mundo.

Kaya pang mapigilan at matuldukan ang terorismo lalo na kung mas lamang ang mga taong makikipag ugnayan sa mga otoridad. Mas malakas ang panig ng mga mamamayang nagkaka-isa kontra sa mga terorista.

Klein De Guia Guagu, Pampanga

***

Meron ba kayong saloobin na gustong iparating sa patnugutan ng ABANTE o gustong ipaalam sa gobyerno sa pamama­gitan ng inyong lingkod na dyaryong ito? Ipadala lamang sa email address na ito:abante_editor@yahoo.comImportante: Opsyon ng nagpadala kung hindi ipapabanggit ang kanyang pangalan at iba pang impormasyon sa publikasyon ng sulat, pero kailangang nasa email ang kumpletong pangalan, contact number at address (for Abante file purposes). — Editor