Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR 09/02/2017

0 2

Dear Editor,

Nakakagigil yung mga taong nasa likod ng pag-aalsa ng mga lumad na kabilang sa mga bakwit na galing Marawi.

Sa halip na tumulong na lang ­dahil pare-pareho naman tayong mga Pilipino, puro ­lamangan at siraan ang alam gawin.

Puro bintang na may ‘human rights abuses’ at ­hindi raw tumutupad ang gobyerno sa ­pangako ­nitong mapabuti ang kanilang kalagayan.

Sige nga, kung may mga human rights violations ngang ­naganap, magkaso kayo! Padaanin ninyo sa tamang judicial process ­hindi yung papagurin nyo pa yung mga kapatid nating ­lumad na magmartsa at mag-rally dito sa Maynila. 

Tinturuan nilang maging baluktot ang kaisipan ng mga lumad na bakwit sa pamamagitan ng pagbe-brainwash sa mga ito para magalit sa ating Presidente. 

Obvious naman na team HEPA at mga ­DILAWAN nanaman ang may pakana ng mga ito at ginagamit ang mga walang kamuwang-muwang at dapat sana ay pinoproteksyunan nating mga kapatid na ­indigenous people. Meynard Dasig

***

Dear Sir:

Ang araw ng mga Bayani ay hindi lamang araw kung saan pinapahalagahaan ang nagawa at ­naiambag ng ating mga bayani para sa bayan.

Sana ang araw ng mga bayani ay hindi lamang para sa iilan na kilala at nakalimbag ang mga pangalan sa aklat at kasaysa­yan.

Sana magkaroon ng puwang sa kaisipan ng ating mga kababayan ang araw ng mga ba­yani para sa ating mga tinaguriang ‘unsung ­heroes’.

Mga bayaning hindi man kilala bilang ­indibidwal, ngunit karapat-dapat kilalanin bilang mga magi­giting na kawal.

Bigyan rin sana natin ng pagpu­pugay ang mga taong naglaan ng kanilang sariling buhay upang makamit at ­mapanatili ang ating kala­yaan laban sa mga masasamang loob na nag-aadhikaing sakupin ang ating bansa maging sa mga masasamang loob na banta sa ating ­kinabukasan.

Sana hindi lamang iilan ang maalala ng ating mga kababayan bagkus maalala rin ang mga taong mas piniling pagsilbihan ang inang bayan kaysa sa sariling pamilya at mahal sa buhay.

Magigiting na sundalo kaming nasa hanay ng edukasyon at pangkalusugang departamento ay ­suma­suludo sa tapang, karangalan at pagmamahal ninyo para sa kapayapaan, buong pamayanan at ­mahal nating inang bayan.

Owen Daez,  Nueva Ecija