Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR 08/27/2017

0 9

Dear Sir:

Ipapaubaya na ng Armed Forces of the Philippines sa mga Local Government Unit ang donasyon na naipon nito.

Tinatayang nasa P943,945.21 ang inabot ng donasyon para sa mga bakwit sa Marawi.

May ibinigay na umanong direktiba si AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, na ipamahagi na sa LGU ang nasabing donasyon at bahala na silang ipamigay ito sa mga apektadong pamil­ya.

Mas mainam rin umano na hindi “cash” ang ipamigay ng LGU para magkasya ito sa dami ng mga pamilyang naapektuhan ng digmaan.

Sana maging responsable ang mga LGU sa paghawak ng donasyon at mapamahagi ito ng tama sa mga dapat nitong makatanggap.

Sana walang bwaya na magtanagkang makihati pa sa mga pamilyang labis na nangangailangan nito. Sana wag nilang ibulsa o kupitan ang dapat ay para sa mga biktima ng gera.

Sa­lamat sa AFP na gumawa ng paraan upang makakalap ng pondo para sa ating mga kababayan, at salamat rin sa mga tumulong sa mga pamamaraan na alam nilang kinakailangan ng ating mga kapatid na Maranaon. Tulungan, ‘yan ang tunay na simbolo ng bayanihan.

Owen Daez

Dear Sir:

Bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng mga rebeldeng NPA ang naganap sa lalawigan ng Pangasinan. May mga nakumpiskang IED (landmine esti 8? diameter), trip wires na may habang 36 meter, isang ignition switch, isang 9mm pistol sub machinegun, dalawang riffle grenade, mga Assorted Ammunitions & Magazines at dalawang unit ng cellphone. Nu’ng Hulyo nagkaroon rin ng sagupaan sa parehong lugar matapos magsagawa ng clearing operations ang AFP.

Tama lang na malagas na ang mga rebeldeng NPA na ‘yan. Masyado na silang nauto ni Joma Sison sa paghahasik ng lagim sa ating bansa.

Masyado na silang balakid sa sana ay may pag-unlad at progreso ng bawat mga lalawigan na sinasalanta ng kanilang kasamaan.

Patuloy na lamang bang mamumuhay sa takot ang mga ordinaryong mamamayan na walang kalaban-laban rin nilang pinapaslang sa oras na ayaw ng magbigay ng lagay sa kanila, o ayaw umanib sa kanilang samahan?

Klein De Guia

Guagua, Pampanga

Dear Sir:

Walang humpay sa paggawa ng krimen ang New People’s Army. Nasa 130 na miyembro umano ng NPA ang tumangay sa 4 na empleyado ng isang Construction Company sa Gingoog City, Misamis Oriental.

Talagang nagpapapansin ang mga NPA na to. Nangulimbat pa ng tinatayang P1.2 Milyon ang mga hudas na ito, tangay rin ang D-Max pick up at boom truck ng nasabing kumpanya.

Ito ba ang maka­bagong sundalo ng masa? Sana maubos na ng gobyerno ang mga kanser sa lipunan na mga NPA na ito. Hindi naman ang kumpanya ang tuwirang apektado ng kawalangyaang ginagawa ng NPA.

Ang numero unong apektado dito ay ‘yung mga pamil­ya ng mga trahabador na mawawalan ng kabuhayan sa oras na magsara ang mga kumpanyang pinepeste ng NPA, kagaya ng La Panday at ng iba pa.

Mamamayan ang unang napeperwisyo sa kawalangyaan ng mga NPA na ito.

Bago may lakas sila ng loob na hilingin kay Pangulong Duterte na pakawalan ang mga kaal­yansa nilang nabilanggo? Kalokohan!

Dapat masawata na ang mga NPA na ‘yan dahil isa ‘yan sa patuloy na pabigat sa ating bansa.

Jersan Arguilles

Mindoro