Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR 08/22/2017

0 28

Dear Editor:

Maraming aral ang matututunan sa nangyari sa Marawi. Una rito ay walang maidudulot na kabutihan ang terorismo.

Sisirain nito ang payapang pamumuhay ng bawat mamamayan para sa maling paniniwala. Pangalawa, dapat maging mapagmatyag at makipagtulungan sa gobyerno para sugpuin ito.

Mismong tayo sa sarili nating lugar ang dapat rin na magprotekta hindi lang ang mga sundalo at otoridad.

Pangatlo ay ang pagmamalasakit natin sa ating kapwa na nakita natin ang pakikiisa at buhos ng tulong ng mga kababayan natin para mabigyan ng tulong ang mga sundalo at mga kapatid nating Maranao. At ang huli, dapat pahalagahan natin ang buhay na mayroon tayo, kung ano ang mayroon tayo.

Dati wala akong pakialam sa ibang tao. Ang tinitingnan at pinapansin ko lang ay ang aking sarili at mga taong malalapit sa akin. Nagbago ang lahat ng ito nang makita at mapanood ko sa mga balita ang sitwasyon ng mga sundalo.

Nakakapanghina at masakit na makita silang nahihirapan para sa kapakanan nating lahat. Mabigat sa kalooban na malaman na pinaghahatian pa nila ang isang lata ng sardinas pero kahit ganoon nakukuha pa rin nilang magpasalamat at ngumiti.

Wala kang reklamo na maririnig sa kanila ‘di tulad natin na hindi lang masarap ang luto panay reklamo na. Mapuyat lang tayo parang sirang-sira na ang araw natin samantalang sila walang tulog dahil may trabaho pa sila at mula umaga hanggang gabi walang humpay ang putukan. Hindi ko makinita ang araw-araw na hirap na dinadanas nila.

Kung ako ang nasa sitwasyon nila hindi ko ito kakayanin at gugustuhin ko nang umuwi. Gustuhin man nga nilang umuwi pero hindi ito pwede dahil sa tungkulin nila. Kahit na nakikita ko sa mga litrato sa internet na nakangiti ang mga sundalo nararamdaman ko sa likod nito ay may lungkot.

Kaya bilib ako sa katatagan nila. Hindi talaga matatawaran ang sakripisyo nila at hindi rin matatawaran ang katatagan, lakas ng loob at determinasyon na mayroon sila.

Sana nga ay hindi mabalewala ang sakripisyo ng bawat sundalo at sana huwag isipin ng mga bata sa evacuation centers ngayon sa Marawi na bayani ang mga teroristang Maute dahil hindi karapat-dapat silang matawag na bayani.

Walang bayani ang pumapatay ng kapwa niya, walang bayani ang pumapatay ng inosenteng tao, at walang bayani ang nananakit at ginagamit ang paniniwala para pumatay. Dahil ang bayani ay ang taong handang masaktan at ibuwis ang buhay para sa kabutihan at para sa kapakanan ng nakararami higit pa sa buhay niya.

Sana magkaroon din ng pamamaraan ang ating gobyerno na maprotektahan ang mga bata na malihis sa maling paniniwala. Huwag nating hayaan na mahikayat sila ng mga terorista na maniwala sa maling paniniwala. Wag nating hayaan na maulit ang nangyari sa Marawi. Magkaisa tayo para labanan ang terorismo dahil para sa atin din ito. 

Related Posts

Hindi ko man kayang lumaban at humawak ng baril tulad ng mga sundalo pero kahit sa maliit na bagay mapasalamatan sila sa pamamagitan ng liham na ito at maiparating ko sa kanila ang pagsuporta ko at patuloy na pagdadasal na makauwi silang lahat nang buhay para makapiling na nila ang kanilang pamilya.

Sa lahat ng naganap na ito sana ito ay maging aral at magkaisa tayo na labanan ang nais na sumira at manggulo sa ating bansa.       

ISABELLE D. SORIANO

Lucena City

***

Dear Editor:

The cold-blooded killing of Kian Loyd Delos Santos, 17-year-old and a Grade 11 student, by police officers in Brgy. 160 in Caloocan City is yet another proof that shows how those in power — with guns and the capacity to distort the truth with planted evidence and a staged crime scene — completely disregard the right to life of the poor, in the course of and fully emboldened by Pres. Duterte’s war on drugs.

The Duterte administration has launched the full scale use of State violence to resolve a problem that involves more than a quickfix “Kill, Kill, Kill” solution.

Pools of blood of innocents like Delos Santos and that of the poor not accorded with their rights to due process have been spilled, yet there is no end in sight for the actual resolution of the problems spawned by the illegal drug trade.

What has spiraled instead is the sheer brazenness of State forces to commit murder in broad daylight, backed up by the President’s promise that he will protect them from prosecution and punishment. What has flourished instead is the climate of impunity in the land.

Delos Santos and the thousands of poor people killed in this psychopathic drug war are victims of State terror and of the government’s incapacity to address the longstanding problems of poverty. They are not victims of some rogue cops. They are victims of a State-sponsored campaign against the poor.

The killings should stop. All those who committed, ordered, endorsed and are complicit in the said human rights violations, including Pres. Duterte himself, should be made accountable. It is through upholding the rights of the people, especially social and economic rights, that the root causes of poverty and social problems can be thoroughly addressed.

CRISTINA PALABAY

Secretary General, Karapatan