Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR 08/21/2017

0 2

Dear Sir:

Magandang balita para sa ating mga kababayan lalo na sa kabundukan ang naging pahayag ni Maj. Gen. Benjamin Madrigal.

Siya ang commander ng 4th Infantry Div na papalit kay Lt. Gen. Ferdinand Quidilla na nagretiro na.

Pahayag niya pagkatapos ng Marawi Siege tututukan na niya ang team efforts laban sa New People’s Army.

Tama lang na tutukan ang problema sa NPA. Masyado nang mahabang panahon at salapi ang naubos para sa ipinaglalabang ideolohiya ng mga makakaliwa na hanggang sa ngayon ay wala naman napupuntahan.

Sa panahon ngayon hindi na karapatan ang ipinaglalaban ng mga makakaliwang grupo. Umiikot na ang usapan sa pera-perang paraan.

Panununog, pagpatay, pangingikil, pangingidnap at paggamit ng kabataan, isa lang ang dahilan lahat ay para sa pera.

Wala nang tunay na ideolohiya ang CPP-NPA-NDF. Pera na lang ang habol nila para sa iilang makapangyarihan at utak ng makakaliwang pag iisip.

Bahala na si batman sa mga nasa mababang uri ng mandirigma ng NPA, basta ang mga nasa taas ay siyang patuloy na nakikinabang sa ibinubuwis na buhay ng kanilang mga alagad.

Sana ay mamulat na ang ating mga kapatid na naligaw ng landas. Hindi ito ang buhay na dapat nilang tiisin at tahakin.

Nishen R. Avalde