Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR 08/14/2017

0 4

Dear Sir:

Kinakailangan sa mga panahong ito ay lalung maging mapagmatyag hindi lamang ang ating awtoridad kundi maging tayo bilang mamamayan.

Nakakabahala ang mga lumalabas na balitang mayroon umanong posibilidad na bumuo ng alyansang komunista at Muslim extremist.

Kung sakaling mangyari man ito ano na lamang ang mangyayari sa ating bansa? Nakakatakot isipin na maaaring mag-maala Marawi ang buong Pilipinas dahil dito.

Kaya sana sa ating mga kababayan mas maging bukas ang ating kaisipan na ang mga terorista at rebelde ay pareho lamang.

Kailangan natin magkaisa upang masgupo sila at hindi na makapag haasik ng lagim gaya ng patuloy nilang isinasagawa sa iba pang lugar. Kung mayroon kahina-hinalang mga tao ay dapat ipag bigay alam sa otoridad.

Jersan Arguilles

Mindoro

***

Dear Sir:

Magandang impormasyon kung sakaling lalagakan ng pondo ang tinatawag na National ID system.

Marami akong kilalang walang ‘valid ID’ na nahihirapan sa mga simpleng transaksiyon na nangangailangana ng pagkakakilanlan. Tulad sa pagkuha ng ipina­dalang gamit o pera, mga transaksyon sa gobyerno na nahahanapan ka talaga ng tunay mong identipikasyon.

Patunay lamang ito na si Pangulong Rodrigo Duterte ay nakikisimpatya sa mga maralita dahil ang ID na ito ay siya na ring gagamitin sa pagsala sa mga benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer program na isasagawa sa susunod na taon.

Related Posts

Hindi lang yun isa rin itong paraan upang ang terorismo sa ating bansa ay medetek na lalo na sa mga banyagang labas-masok lang sa ating bansa. Maniwala tayo kay Digong at ipaubayanatin sakanya ang lahat.

Alam na niya ang gagawin niya. Ngayon makikita ng hindi lang siya sa iligal na droga, terorismo at sa Marawi nakatuon ang kanyang atensyon.

Nikki R. Pabulayan

Fort Bonifacio, Taguig

***

Dear Sir:

Masyado ng toxic sa lipunan ang shabu at iba pang ilegal na droga at malawak na ang nasakop nito at ayon kay Pangu­long Rodrigo Duterte posibleng hindi na nito kayaning maresolba hanggang sa matapos ang kanyang termino sa 2022.

Patuloy pa rin ang operasyon at kampanya laban sa ilegal na droga na ngayon ay may kaanib pang tulong mula sa AFP upang mabilis itong masugpo.

Sikat ngayon ang pamilyang Parojinog sa Ozamiz, kung dati ay dahil sa sila ang siga ng Ozamiz ngayon ay dahil naman sa nasampolan sila ng PNP sa oplan tokhang.

Naging bukas at prangka ang Pangulo na ipahatid sa mga tao ang may kalabuan at walang kasiguraduhan na pag resolba sa ilegal na droga.

Batid naman ng samba­yanan na ginagawa niya ang lahat, ngunit sadyang mahirap balansihin at kontrolin ang mga suliranin ng bansa lalu na at sinabayan pa ng mga rebeldeng grupo gaya ng NPA, Abu Sayyaf at Maute na mga sangkot at may koneksyon rin sa iligal na droga dagdagan pa ng mga Narco politician tulad nila Parojinog.

Andrew R. Aranas

Tanay, Rizal