Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR 08/13/2017

0 5

Dear Sir:
Wala ng magagawa ang pagkontra ng mga ­taong galit kay dating presidenteng Ferdinand Marcos. Paano kasi, tuluyan ng tinuldukan ng Supreme Court ang hindi na mababawing desisyon nito na ­manatili na sa Libingan ng Bayani ang labi ng dating ­diktador. Paano ba yan, mukhang “beast mode” nanaman sina former Bayan Muna party-list Rep. Satur Ocampo at Albay Rep. Edcel Lagman. Sila kasi yung mga di maka “move-on” kay Marcos.
Wala naman kasing mawawala kung ­papakawalan na natin ang multong dala ng dating Batas Militar. Kaya naman dapat ay tigilan na ang pag sasayang ng oras sa pagpapatanggal ng labi ni Macoy sa ­Libingan ng mga Bayani. Maraming problema ang bansa ­atin at sa palagay ko hindi na ‘yan dapat idagdag pa.

Andrew Aranas
Tanay, Rizal

Dear Sir:
May nakalaang pabuya para sa bawat terorista at rebeldeng NPA na mahuhuli o mapapatay. Nagka­isa ang mga local government unit na magbigay ng pabuya para masakote ang mga terorista at rebelde na naghahasik ng lagim at walang takot na pumapatay ng mga sundalo, pulis maging sibilyan.
Idineklara ni Pangulong Duterte ang pabuya matapos na tambangan ng NPA ang anim na pulis sa Negros Occidental.
Isa ito sa paraan na nakita ng pangulo upang ­isuplong ng mga taong natatakot ituro kung saan nagkukubli ang mga rebelde. Sana hindi lang pabuya ang hangad ng sinumang magsusuplong sa mga ­rebelde at terorista, sana makiisa sila sa layunin ng pamahalaan na mawakasan ang terorismo at ­rebelyon sa ating bansa.

Mark Talledo
Cebu

Dear Sir:
Kumakalat ngayon sa Facebook ang pagsuko ng isang NPA commander na si Kumander Butsoy kasama ang grupo niya. May video pa na nagpahayag ang kumander at sinabi niyang nais nila ng ligal na kalayaan.
Nais din daw nilang maging sundalo at mapabilang sa Army. Marami ang nag komento sa ­social media na nagparating na kasiyahan na natauhan itong mga nalasong ng paniniwala ng NPA. Mayroon rin nagkomento na mag-ingat at ‘wag basta magti­wala sa mga ito dahil marka na sa taumbayan ang pagiging sinunggaling ng mga makakaliwa.
Suma total magandang pangitain pa rin itong pagsuko nila Kumander Butsoy at sana ay may mahikayat pang katulad nila.

Louch Aquino
Bataan

Dear Sir:
Magandang balita ang pagkakaisa ng mga ­Asya­nong bansa sa pagpuksa sa iligal na droga at tero­rismo. Ang ASEAN mismo ay nangako na pananati­lihin ang pagpapalawig ng kapayapaan, seguridad at stabi­lidad kasama na rin ang mapayapang pag resolba sa usapin ng mga teritoryo ayon sa internasyunal na batas. Ang Australia at Amerika maging ang Japan naman ay hinikayat ang mga lider ng mga bansa na makipagtulungan na labanan ang terorismo.
Ang pagkakaisa hindi lamang ng ASEAN kung di ng iba pang bansa ay may maitutulong sa pag sugpo sa luma­laganap na terorismo. Batid naman natin na hindi lang bansa sa Asya ang may sigalot sa terorismo, patunay na dyan ang Mosul. Kaya bilang mamamayan dapat lang na sa ating komunidad palang ay mayroon ng tulungan.

Jersan Arguilles
Mindoro