Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR 08/12/2017

0 3

Dear Sir:

Nakakagaan ng loob ang patuloy na pagbuhos ng tulong mula sa iba’t ibang bansa. Hindi lang mga kababayan natin ang nagpapa-abot ng tulong.

Ang bansang Singapore ay nakiisa rin sa paghahatid ng tulong para sa ating mga kababayan na nasa mga evacuation site.

Sana lang huwag ibulsa ng ibang tiwaling taga-gobyerno ang mga cash donations na mula sa mga indibidwal, grupo, organi­sasyon at ibang bansa ang dapat ay para sa ating mga kababayan.

Sana rin ipamahagi sa tunay na nangangailang at hindi kukurakutin ng ibang taga-gobyerno. Dapat ipamahagi ito agad. Sana tulad ni Pangulong Duterte ay sinserong pagmamalasakit ang ipaabot ng mga kawani ng gobyerno sa ating mga kababayan.

Jamaica Rey
Compostela Valley

***

Dear Sir:

Nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa tulong na ipinaabot ng Estados Unidos kasama si US Secretary of State Rex Tillerson. Sa kabila ng maraming isyu tulad ng sa Balangiga bells, pandaigdigan banta ng terorismo at seguridad sa Marawi, nagpahayag ang Pangulo na ang Pilipinas ay matagal na kaalyado ng Estados Unidos sa buong Asya.

Kahit nagkaroon ng mga hindi magandang alitan noon sa panahon ni dating US President Barrack Obama, nakakagalak malaman na ang ugnayan ng Estados Unidos at Pilipinas ay hindi pa rin natitinag. Maaaring nabahiran ng mga pulitikal na isyu ngunit magkaalyado pa rin kahit na anong mamngyari.

Batid naman ng mga Pilipino ang mga tulong na naibabahagi ng Amerika para sa ating bansa. Hindi man maisantabi na sa likod nito ay mayroon rin nais ang Amerika sa ating bansa, ang mahalaga ay nasa atin pa rin ang ating kalayaan at wala silang kinakamkam na teritoryo o pag aari ng Pilipinas.

Mark Talledo
Cebu

***

Dear Sir:

Mayroon ng text hotline ang militar at hinihikayat nito ang mga residente ng Mindanao na ireport ang kanilang mga hinaing at para na rin sa kanilang seguridad. Isa itong magandang balita para sa ating mga kababayan na nangangamba sa batas militar at sa mga iniisip nilang maaaring pang aabuso na gagawin ng militar.

Panigurado mag-iisip nanaman ng bagong butas ang mga makakaliwang ayaw sa martial law. Ang tunay na layunin umano ng mga hotline na ito ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesman Restituto Padilla Jr., ay upang mailapit ng mga sibilyan ang kanilang mga hinaing. Isa rin itong paraan upang makapag bigay ng impormasyon ang mga sibilyan kung sakaling mayroon silang mga napapagmatyagan na mga kahina-hinalang kilos na posibleng may kaugnayan sa mga rebelde at terorista.

Dagdag pa ni Padilla, tunay na hindi kayang bantayan ng lahat ng pulis at sundalo ang lahat ng Pilipino, kaya naman kung sa mga lokal na barangay pa lamang sana, bawat indibidwal ay magkaroon ng malasakit makipag ugnayan sa otoridad. Para rin ito sa ating lahat hindi lang para sa iilan. Kooperasyon ang kaylangan.

Dana Del Rosario
Camarines Norte