Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR 08/04/2017

0 0

Dear Sir:

Nanawagan at nanghihikayat ang National Democratic Front of the Philippines sa mga pa­milya ng mga ‘Prisoners of war’, mga peace advocate at church groups na umapela kay Pangulong Duterte na itigil ang operasyon ng militar.

Nilinaw ng NDFP na ang ligtas na pagpapalaya sa mga POW ay possible lamang mangyari kung makikipagtulungan ang Armed Forces of the Philippines.

Tila nangangamba na ang NDFP sa patuloy na pagdami ng mga miyembro ng NPA na nagbababa ng armas at nagbabalik-loob sa pamahalaan.

Hindi natin masisi ang gobyerno sa patuloy na operasyon nito dahil na rin sa patuloy na pamiminsala at perwisyo ng NPA.

Hindi na lingid sa ating kaalaman na ang CPP-NPA-NDFP ay pareparehong walang isang salita. Ang kanilang mga pahayag ay hindi mapagkakatiwalaan at alam yan ng mamamayan.

Dana Del Rosario
Camarines Norte

***

Dear Sir:

Nais ko lang ipahayag ang simpatya ko para sa mga sundalo at ang batikos ko para sa mga tumutuligsa sa mga ‘unsung heroes’ ng ating bayan.

Sa dami ng intrigang ibinabato ng mga makakaliwa at ng mga kontra sa gobyerno tulad nila Juana Change (Mae Paner), utang na loob lang magkaroon kayo ng simpatya para sa mga kasundaluhan nating panganib ang kinakaharap sa bawat segundong nasa peligrosong lugar sila.

Hindi lang kasi sila di­nadapuaan ng ligaw na bala ng mga terorista, dahil sa patuloy na sagupaan, samu’t saring sakit na rin ang dinaranas nila.

Related Posts

Tao rin sila, marunong mapagod ngunit di bumibitaw, nakakaramdam ng sakit at ng karamdaman.

Kaya sa mga anti-government group dyan na maraming sinasabi, kayo ang tumayo sa kalagayan ng mga sundalo para malaman nyo ang dinaranas nila di lang para sa pamilya nila kundi para sa inyo ring pamilya at sa ating mga kababayan.

Jersan Arguilles
Mindoro

***

Dear Sir:

Magandang im­por­mas­yon kung sakaling lalagakan ng pondo ang tinatawag na National ID system. 

Marami akong kilalang walang ‘va­lid ID’ na nahihirapan sa mga simpleng transaksiyon na nangangailangan ng pagkakakilanlan.

Tulad sa pagkuha ng ipina­dalang gamit o pera, mga transaksyon sa gobyerno na hahanapan ka talaga ng tunay mong identipikasyon.

Patunay lamang ito na si Pangulong Rodrigo Duterte ay nakikisimpatya sa mga maralita dahil ang ID na ito ay siya na ring gagamitin sa pagsala sa mga benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer program na isasagawa sa susunod na taon.

Hindi lang yun, isa rin itong paraan upang ang terorismo sa ating bansa ay medetek na lalo na sa mga banyagang labas masok lang sa ating bansa.

Maniwala tayo kay Digong at ipaubaya natin sakanya ang lahat. Alam na niya ang gagawin niya.

Ngayon makikita na hindi lang siya sa iligal na droga, terorismo at sa Marawi nakatuon ang kanyang atensyon.

Nikki R. Pabulayan
Fort Bonifacio,Taguig