Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR 08/03/2017

0 1

Dear Sir:

Hindi talaga maawat ang mga tulisang New People’s Army sa paghahasik ng lagim.

Nagsunog na naman ng mga road equipment ang mga ito sa Barangay Gacepan, Sison, Surigao del Norte.

Sila rin ang pasimuno sa pag-atake sa rehiyon ng CARAGA. Pakana nila maging ang pagsunog sa plantasyon ng saging sa Dole-Stanfilco sa Tago, Surigao del Sur at isang construction firm sa Surigao City.

Naagapan naman ng militar ang tangkang pagsunog sana sa hydroelectric power plant sa Luisiana sa Laguna.

Naisagawa ito ng mga sundalo dahil sa pakikipagtulungan ng mga tao sa nasabing lugar.

Sana ay maging aral ito sa ating mga kababayan. Hangga’t may maaari tayong maitulong sa ating awtoridad, ‘wag tayong magdalawang isip.

Mala­king bagay ang pagkakasabotahe sa masamang plano ng NPA sa nasabing plantasyon.

Maging maingat at ma­ging mapagmasid hindi lamang sa mga terorista kundi maging sa mga rebelde.

Mark Talledo
Cebu

***

Dear Sir:

Isang paglabag sa batas bilang Article 179 ng Revised Penal Code o ilegal na pagsusuot ng uniporme ang ginawa ni Mae Paner aka ‘Juana Change’ sa SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Binastos at hindi binigyang halaga ni Paner ang kanyang ginawa sa uniporme ng ating militar.

Kung may galit man siya kay Digong hindi niya dapat nilalahat at dinadamay ang kasundaluhan.

Wala siyang ideya kung ano ang hirap, pagod at sakripisyo ng isang indibidwal maging lehitimo lamang sa pagsusuot ng unipormeng ‘binaboy’ niya.

Maraming netizen ang nagpahayag ng galit at inis kay Juana Change partikular na rin ang mga sundalong nabastusan sa kanya.

Hindi na nga kagalang-galang ang panlabas na anyo ni Paner, pati ba naman ang ugali at kawalan niya ng disiplina ay ‘di rin kanais-nais.

Ang ating bansa ay hindi uunlad sa pamamagitan lang ng rally, patunay lamang na marami pa rin ang nauuto o nalilinlang ng makakaliwang grupo.

Panawagan kay Paner hindi na uniporme ng sundalo ang sunod na outfit mo, baka ternong kulay kahel na ang suot mo sabay himas na rin ng rehas. ‘Wag po natin siyang tularan, nakakasuklam na ‘yung mukha utu-uto pa sa mga makakaliwa.

Dana Del Rosario
Camarines Norte

***

Dear Sir/Ma’am,

Sino ba namang hindi mapupuno sa inaasal ng Kadamay? Kung napuno ang Presidente Duterte sa grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) dahil sa patuloy na pag-okupa ng mga miyembro nito sa government housing projects, mas lalo ako! Muntik ko pang masapak ang TV namin dahil sa mga ungas na iyan! Harujosko!

Ginagawang dahilan na lang ng Kadamay ang kahirapan para lumikha ng kaguluhan sa pamamagitan nang pang-aagaw ng mga bahay sa ipinagawa ng pamahalaan.

Akalain mo iyon, sinabihan na sila ng pangulo ng huwag na nilang ulitin ang ginawa nila sa Pandi, Bulacan dahil magulo talaga sila at kung hindi sila susunod, maaaring ikapahamak pa nila ang mga aksyon nila pero wala talaga.

Mas matigas pa sa asero ang ulo nga mga kurikong! Sa halip na matakot sa banta ni Duterte, sinabi ni Gloria Arellano, liber ng Kadamay, na magpapatuloy ang kanilang kampanya sa pag-occupy sa government housing projects na nakikita nilang mabagal tirahan at nagiging inutil daw ang gobyerno.

Saan kaya nila kinukuha ang kapal ng pagmukukha ng mga kwan na ito? Makapal na lang ba talaga ang mukha ng mga ito since birth o baka naman may nagpopondo sa likod nila?

Lumalaki na ang ulo ng Kadamay at hindi nahiya na mang-agaw ng bahay na hindi sa kanila. Hoy, para sa mga kawaning sundalo at kapulisan ang mga inagaw ninyo! Taympers muna kayo sa pagiging kupal ninyo! May araw din kayo ha. Sumasakit ang bangs ko!

Kristamel E. Narvasa
Iloilo City