Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR 07/31/2017

0 1

Dear Sir:

Panahon na upang matauhan ang ating mga kababayan lalo na ang mga Lumad na inuuto ng mga makakaliwang galit sa gobyerno.

Una sa lahat dapat nilang malaman kung paanong panggagamit ang ginagawa sa kanila ng mga “leftist”.

Abante Hiring – IT dep

Ang Communist Party of the Philippines, New People’s Army at National Democratic Front ay mga tulisan, sinunga­ling at manggagamit na grupo.

Ano pa nga ba ang maaaring pwedeng itawag sa NPA? Lahat na yata ng masahol na pwedeng maging deskripsyon sa NPA na ito ay nabanggit na sa lahat ng mga paha­yagan ng mga manunulat.

Kung talagang sila ang makabagong hukbo ng bayan, patunayan nila. Pumunta sila sa Marawi, doon nila ilabas ang tapang nila.

Sumugod sila sa labanan at ipagtanggol ang ating mga kababayan. Sa totoo lang eh, mahirap talaga ‘yang gawin para sa kanila.

Ang porte kasi ng CPP-NDF ay manlinlang ng mga tao, samantalang ang NPA ang porte niyan eh, magsunog, mangidnap, mangikil at pumatay ng mga inosente at militar. ‘Yan ang gawain ng CPP-NPA-NDF.

Ang makakaliwang grupo na kaliwa rin maging ang pagpihit ng mga utak. Dapat sa mga NPA dun sa Marawi magsiga-sigaan.

JERSAN ARGUIL­LES

Mindoro

***

Dear Sir:

Nanggagalaiti na si Pangulong Rodrigo Duterte sa utak ng balikong ideolohiya ng CPP-NPA-NDF na si Jose Maria (Joma) Sison. Sa galit ni Digong hinamon niya si Joma na umuwi ng Pilipinas at lumaban nang patas.

Tama nga naman si Digong, kung talagang may tapang itong si Joma kahit kapiraso lang pamunuan­ niya ang mga taong nauto niya nang harapan at hindi ‘yun ­tagadikta lang siya.

Ang lagay eh habang nagpapakasarap siya sa The Netherlands, nalalagas naman ang buhay ng mga taong nadala niya sa maling pag-iisip.

Gaano karaming pamilya, ang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa panlilinlang na itinatak ni Joma sa isip ng mga taong salat sa kaalaman sa tunay na nangyayari sa ating bansa.

Tunay na maraming problema ang ating bansa, ngunit ano ang maiaambag ng ating pagtuligsa at paglaban sa gobyerno sa armadong paraan?

Nariyan na ang pagluklok ni Digong na rumerepresenta sa mga makakaliwa, ngunit kahit hinayaan na sila magkaroon ng boses sa gobyerno wala pa rin silang naitulong at pinagbago. Literal na kaliwa nga sila.

ROMEL GABLAN

Quezon City

***

Dear Sir:

Isang paglabag sa batas bilang Article 179 ng Revised Penal Code o iligal na pagsusuot ng uniporme ang ginawa ni Mae Paner a.k.a. “Juana Change” sa SONA ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Binastos at hindi binigyang halaga ni Paner ang kanyang ginawa sa uniporme ng ating militar. Kung may galit man siya kay Digong hindi niya dapat nilalahat at dinada­may ang kasundaluhan.

Wala siyang ideya kung ano ang hirap, pagod at sakripisyo ng isang ­indibidwal maging lehitimo lamang sa pagsusuot ng unipormeng “binaboy” niya.

Maraming netizen ang nagpahayag ng galit at inis kay Juana Change partikular na rin ang mga sundalong nabastusan sa kanya.

Hindi na nga ­kagalang-galang ang panlabas na anyo ni Paner, pati ba naman ang ugali at kawalan niya ng disiplina ay ‘di rin kanais-nais.

Ang ating bansa ay hindi uunlad sa pamamagitan lang ng rally, patunay lamang na marami pa rin ang nauuto o nalilinlang ng makakaliwang grupo.

Panawagan kay Paner hindi na uniporme ng sundalo ang sunod na outfit mo, baka ternong kulay kahel na ang suot mo sabay himas na rin ng rehas. ‘Wag po natin siyang tularan, nakakasuklam na ‘yung mukha utu-uto pa sa mga makakaliwa.

DANA DEL ROSARIO

Camarines Norte