Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR 07/12/2017

0 1

Dear Sir/Ma’am,

Napanood ko kagabi sa telebisyon pagkauwi ko galing sa opisina na kinumpirma na umano ng ­Syrian Observatory for Human Rights na patay na ang Islamic State (IS) leader na si Abu Bakr al-Baghdadi.

Magandang balita ito dahil noong mga nakaraang taon ay hindi pa rin masigurado ng Estados Unidos at ng coalition forces nito gaya ng France at United Kingdom na kung natiklo at natugis na ba ang lider ng ISIS na si Baghdadi. Sa wakas, may paglilinaw na!

Totoo na ito kasi batay sa ulat, ito ay matapos umanong maubos ng hukbong sandatahan ng Iraq ang mga huling teritoryo ng IS sa Mosul, na tatlong taon nang hawak ng IS.

Ngayon, ang tanong ko sa mga teroristang Maute na namumugad sa Katimugang Mindanao, ano pa ang silbi niyo? Sa palagay niyo ba masaya pang lumaban kung ang sinasamba niyong diyos sa Middle East ay patay na rin?

Iniwan na nga kayo ni Hapinol kasi nagkanda-letse letse na sa Marawi tapos arya pa kayo nang arya. Pag-isipan niyong maigi ang pinaglalaban niyo.

Kung wala na ang Supremo sa ibayong dagat, siguradong bukas makalawa, wala na kayong pondo at tulong na matatanggap. Sa ngayon na lang yan. Gaya ng bala, mauubos din ang suporta niyo galing sa kanila!

Mabuhay pa rin ang kapayapaan! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Marawi!

Ricardo E. Catindig
Meycauayan, Bulacan