Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR 07/04/2017

0 1

Dear Editor:

Magsisimula na ang joint maritime patrols sa pagitan ng Pilipinas at ng Indonesia na gaganapin sa Sasa Wharf, Davao City.

Maganda ang layunin ng nasabing maritime patrols dahil pinupunto nito ang pagpapalakas ng seguridad sa Davao Gulf na sa pagitan ng dalawang bansa partikular ang Celebes Sea.

Pagkakaisa upang masugpo ang terorismo isa ito sa tunay na dahilan ng nasabing maritime patrol.

Sana ay maraming bansa pa ang magsagawa ng tulad nito upang mabawasan ang banta ng terorismo at pananakop hindi lamang sa lupain kundi maging sa karagatan.

Mark Talledo
Cebu

Dear Sir:

Ang pag-partner ng Indonesia sa ating bansa para mapigil ang terorista na lumaganap sa Asia ay isang magandang pani­mulain sa magkabilang panig.

Dahil nga ang bansang Pilipinas at Indonesia ay bansang magkalapit lamang. Madali lamang lakbayin ang ating mga karagatan ng mga tero­ristang ISIS.

Dapat ang matinding pagbabantay. Upang hindi na maulit ang nangyari sa Marawi. Tulungan lang dapat ang magkakapitbahay. Dahil ‘pag matindi na ang te­rorismo damay-damay na ang lahat.

Zyrenne A. Yumul