Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR 05/20/2017

0 82

Dear Sir:

Sa wakas natuloy din ang RP-US Balikatan ­Exercise na nagsimula noong Mayo 8 hanggang Mayo 19, 2017. Naka-focus ngayon ang ­Balikatan sa Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) at Counter-Terrorism. Kumpara noong ­nakaraang taon ay naka-focus sa territorial defense at maritime security operations.

Marahil nakadepende ang focus ng ­Balikatan sang-ayon sa dinidikta ng panahon. Dahil mayroon tayong parating na the Big One or pinakamalakas na intensity na lindol kaya ito ang binigyan nang pagpapahalaga. Ganoon din ang banta ng ­terrorism ay ­napapanahon upang may kaalaman sa mga ­techniques, tactics and procedures na mapadali ang pagtugon sa mga ganitong kaganapan.

Ito ang hindi nakita ng Bagong Alyansang ­Makabayan (BAYAN). Tingin nila bigo si Pangulong Duterte na maputol ang kaugnayan ng ating bansa sa Amerika. Tingin nila isa itong war games. Pero pa sa akin ito ay isang magandang ugnayan tungo sa ­pagkakaunawaan at lalo pang tumibay ang ating ­relasyon sa bansang Amerika.

Ang HADR ay tutukuyin ang urban search-and-rescue in event of earthquakes, and landing of relief units and goods should in a typhoon isolated area. Ito ba ay magagawa ng BAYAN? Dapat ­talagang mayroong skill ang ating mga kasundaluhan sa ganitong pagtupad ng tungkulin. Kailangang ­bihasa sila kung sakaling, huwag namang ipahintulot ng tadhana, na magkaroon nga ng malakas na lindol sa ating bansa.

Related Posts

Hindi rin tayo makakapalag sa RP-US ­Balikatan Exercise dahil nakapaloob ito sa Visiting Forces Agreement at sa Mutual Defense Treaty. Obligado tayong sumunod sa ano mang kasunduang ­nilagdaan ng ating mga ninuno. Respeto lang baga sa ating mga ninuno.

Amy A. Atencia
Quezon City

***

Meron ba kayong saloobin na gustong iparating sa patnugutan ng ABANTE o gustong ipaalam sa gobyerno sa pamama­gitan ng inyong lingkod na dyaryong ito? Ipadala lamang sa email address na ito:
abante_editor@yahoo.com
Importante: Opsyon ng nagpadala kung hindi ipapabanggit ang kanyang pangalan at iba pang impormasyon sa publikasyon ng sulat, pero kailangang nasa email ang kumpletong pangalan, contact number at address (for Abante file purposes). — Editor

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy