Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR 05/03/2017

0 5

Dear Sir:

Ang pinaka notoryus na commander ng Abu ­Sayyaf na si Al Hasib Misaya na kilala sa pangingid­nap at pagpatay sa Sabah ay napatay ng militar. ­Kilala rin na adik at pumugot ng ulo sa isang ­Malaysian itong si Misaya na napatay habang naka-angkas sa motorsiklo, kasama ang isa pang ASG member na si Barak Sahibul anak ng sub-commander na si ­Hatib Ummal Sahibul sa Jolo. Isang malaking tinik ang nabunot sa pag-aalinlangan ng Filipino at Malaysian Intelligence dahil utak si Misaya sa maraming pangi­ngidnap sa Pilipinas at Sabah.

Dahil sa patuloy na opensiba ng militar mula noong nakaraang buwan marami na sa mga ­sub-leader at commander ng teroristang grupo ang namatay. Sa ating mga kapatid, pahiwatig na ito na dapat ay sumuko na sa gobyerno habang may pagkakataon pa. ‘Wag na sanang hintayin ang oras na sunduin kayo ni kamatayan. Paano na lamang ang ­inyong mga anak, kapatid, magulang asawa at mga kamag-anak na nananabik sa inyong kalinga? ­Pamilya pa rin sana ang inyong piliin kaysa sa kapatirang mali ang ideolo­hiya at paraan ng pamumuhay.

Dana R. Del Rosario
Camarines Norte

***

Dear Sir:

Kinundena ni Mayor Sara Duterte-Carpio ang ­ginawa ng New People’s Army na panununog sa Lapanday Foods Corporation at iba pang mga ilegal na aktibidad nito. Dagdag pa niya talagang ­hindi mapagkakatiwalaan ang mga ito kahit na nag-abot siya ng pagkakataong sumuko na sila.

Sa nangyaring ito, maraming empleyado ang apek­tado at nawalan ng trabaho. Nabiktima ng walang isip at walang konsensiyang rebeldeng grupo. Damay na ang mga pamilya nilang umaasa sa kabuhayan na dala ng mga planta na sana ay makaka­tulong sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Tila hindi naiisip ng mga rebeldeng ito na tulad nila ang kanilang mga biktima ay mayroon ring pamilya. Pamilya na sana ay namumuhay ng matiwasay. Sana ay mag-isip muna sila, na tulad nila nais rin ng mga naghihirap na Filipino ng pagbabago ngunit hindi ­tulad ng pamamaraan nilang armado.

Nikki R. Pabulayan
Fort Bonifacio, Taguig City

***

Dear Sir:

Nadiskubre ng mga sundalo ang tinatawag na ‘Paradise Island’ ng teroristang grupo ng Abu ­Sayyaf sa Tawi-tawi. Narekober ng Marines ang ­Philippine flag sa Panguan Island noong Sabado, indikasyon na ang lugar ay nasa kontrol na ng militar. Ang nabanggit na lokasyon ay nasa Sibutu Channel. Ayon kay Joint Task Force Tawi-Tawi Commander B/Gen. Custodio Parcon ang nasabing Panguan Island ay normal ng ruta ng mga bandido na nagsisilbing ­pahingahan at taguan.

Sa mga bandidong grupo tulad ng ASG, Maute group at kung ano pang mga grupo matutunton at matutunton kayo ng mga alagad ng batas. Kaya ­naman sa mga miyembro nito, ‘wag niyo nang ­isugal sa kamatayan ang inyong mga buhay. Sana ay maramdaman ninyong matagal na kayong ginagamit ng inyong mga grupo ngunit hanggang nga­yon ay wala pa ring nangyayari sa inyong mga pinag­lalaban. Nawa’y mamulat ang ating mga kapatid sa katotohanan na mas kailangan sila ng kanilang mga pamilya.

Jersan R. Arguilles
Mindoro

***

Meron ba kayong saloobin na gustong iparating sa patnugutan ng ABANTE o gustong ipaalam sa gobyerno sa pamama­gitan ng inyong lingkod na dyaryong ito? Ipadala lamang sa email address na ito:abante_editor@yahoo.com
Importante: Opsyon ng nagpadala kung hindi ipapabanggit ang kanyang pangalan at iba pang impormasyon sa publikasyon ng sulat, pero kailangang nasa email ang kumpletong pangalan, contact number at address (for Abante file purposes). — Editor