LETTER TO THE EDITOR – 04/22/2017

Dear Sir:

The Communist Party of the Philippines said that the news stories regarding the supposed arrival and presence of members of the Abu Sayyaf criminal bandit group in Bohol island smack of a US yarn. They condemned the military operations happened against Abu Sayyaf members in the province of Bohol and called it “overkill”.

Does CPP know the word overkill? Look who’s complaining. Recalling the massacre happened in Digos, Davao Del Sur, 40 people, most of them was children, and was heartlessly executed by CPP-NPA rebels while they were joining a Sunday mass. Pastor Ruben Ayap and his brother were beheaded because the village leaders rejected to tie with the insurgents. The CPP-NPA general command later confessed accountability for the inhuman killings. The CPP-NPA continues to perpetrate atrocities without repentance, specifically now that they are operating like a terro­rist group. Aside from killing civilians contrasting to them, they have also ventured into numerous lawless activities like arson, extortion, robbery and kidnapping. Sadly, even up to now, the folks remained passive of them.

When will the people take an active role in condemning the CPP-NPA not only the Abu Sayyaf? Will it take a lot of massacres for the people to act? The fight against the CPP-NPA is not just the duty of our government. It is the concern of every Filipinos who abhor cruelty. If we, will not run even vocal provision, the effort to conquest the rebel-turned bandits will be ineffective. We should not remain deaf and blind.

Ann R. Aquino

Dear Sir:

May tsansa na magsanib pwersa ang mga te­roristang grupong upang maghasik ng kasamaan sa Mindanao. Ayon kay South Cotabato Police Provincial Director Senior Superintendent Franklin Alvero, hindi pa nila matukoy na nag-isa na ang mga grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Maute Terror Group, Abu Sayyaf Group (ASG), Local ISIS at mga local recruit ng Jemaah Islamiyah. Nakatanggap sila ng impormasyon na may ginaganap itong pagpupulong sa Lanao del Sur.

Sa pagkakataong ito ay mas kinakailangan natin ang tulong ng bantay seguridad at kaligtasan mula sa ating hukbong sandatahan. Dapat rin maging alerto tayong mga mamamayan, makiisa at maging kasangkapan upang mapigilan ang anumang karahasang maaaring idulot ng mga rebeldeng grupo. Kinakailangan ng ating AFP at PNP ang ating pakikiisa upang makatulong sa pagkalap ng mga impormasyon.

Jersan R. Arguilles
Mindoro

Dear Sir:


Ang mga bansang nagdeklara ng Travel Advisory sa kanilang mga citizens ay ang France, United States of America, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand at ngayon ay ang South Korea. Particular na binabalaan nilang huwag pumunta sa Central Visayas lalo sa Bohol. Hindi natin sila mapipigilan kung ipagbawal nila ang pagtungo sa ating bansa. Laking kawalan ito sa ating turismo. Mawawala ang kikitain ng ating bayan.

Bakit kasi itong mga Abu Sayyaf, New People’s Army at iba pang mga armadong grupo ay ayaw tantanan ang paghahasik ng lagim sa ating bansa? Alam kaya nila na ang kanilang ginagawa ay apek­tado ang ating mga mamamayan dahil natatakot na ang mga turista na pumunta sa ating bansa? Imbes na makakadagdag sa kikitain mula sa mga turista ay napupurnada dahil sa kanilang kagagawan.

Mahirap i-spelling-in ang takbo ng utak ng mga ito. Kaya dapat na pulbusin na sila nang sa ganoon ay mawala na ang sagabal sa pag-unlad ng Pilipinas at ng mamamayan.

Barbara A. Alba
Muntinlupa City

Dear Sir:

Ang pag-surrender ng mga menor-de-edad na sina Rose at Jun-jun sa 60th Infantry Battalion ay nagpapatunay na wala ngang idudulot ng magandang buhay ang pagsali sa NPA organization. Bukod sa pag-akyat at pagbaba mula sa bundok dahil sa kanilang operasyon laban sa militar, na babalot pa rin ang kanilang kalooban sa takot at pangamba. Higit sa lahat hindi nila maunawaan ang tinuturong ideolohiya ng NPA. Ito ay ayon kay Rose. Ang sabi naman ni Jun-jun, inaabuso siya ng mga nakakatandang lider ng NPA. Ang buo nilang akala ay papag-aralin sila ng NPA. Imbes na papag-aralin, ayun dinala sila sa combat operations. Hindi na sila nakatiis kaya nagpasyang sumuko na lang sa militar. Ngayon, kinukopkop sila ng militar at binigyan ng medical check-up at stress debriefing. Bibigyan sila ng special psychological debriefing upang alamin kung may indication ng child-abuse related trauma.

Sana naman po huwag nang idamay ang mga bata. Hayaan natin silang mag-aral at alamin nila kung ano ang purpose nila sa mundong ito. Huwag pong pilitin na sumanib sa inyong pangkat. Sayang na sayang ang kanilang kinabukasan. Ang lahat ng tao, mapatanda man o mapabata ay may karapatang pumili kung ano ang gusto niya sa kanyang buhay. Kung mapapariwara ang mga batang ito, mananagot kayo sa Poong Maykapal sa kabilang buhay. Kargo de konsensya po ninyo ang mga bata.

Zyrenne A. Yumul
Balagtas, Bulacan

SHARE