Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR – 04/01/2017

0 3

Dear Sir,

Nakatakdang ipagpatuloy ang Peace talks sa Noordwijk Netherlands sa ika-2 hanggang 6 ­ngayong taon. Maghaharap muli ang mga kinatawan ng Philippine government at National Democratic Front of the Philippines. Samantalang magiging third ­party naman bilang facilitator sa peace process si Erik Forner ng Norway.

Sa palagay ko lang hindi ba’t nararapat na sa ­Pilipinas ganapin ang peace talk? Hindi na rin dapat humingi pa ng tulong sa third party gaya ng Norway dahil kapwa Pilipino lang din naman ang sangkot sa isyu. Mas mainam na sa ating bansa ganapin ang usa­ping pangkapayapaan upang magkaroon ng transpa­rency, maging hayag at makalahok ang sambayanang Pilipino rito hindi ‘yung iilan lamang ang nakakaalam kung ano ang nagaganap sa nasabing pag-uusap.

Jersan R. Arguilles
Mindoro

***

Dear Sir,

Nagkaroon ng kilos protesta ang ilang miyembro ng NPA sa Quezon City. Sa kabila nito ay nagpahayag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang namamataan sa Maynila ngayon. Ayon sa isang intelligence official ang mga lumahok sa protesta kamakailan ay mga kaanib ng “legal fronts” ng communist party na nagbabalat kayo bilang miyembro ng NPA. Dagdag pa ni AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo pawing mga sympha­tizers at supporters ng makakaliwang grupo ang mga nag- rally.

Panlilinlang ang ginagawa ng mga ralihistang nagdulot ng perwisyo sa mga motorista. Dapat magkaroon din ng batas na ang isang indibidwal na lantarang magpahayag na isa siyang kalaban ng ­gobyerno lalo na ng NPA ay dapat dakpin. Hindi ­makatwiran na porket walang dalang armas ay hindi na sisiluin. Wala silang karapatan magtamo ng ­karapatan magpakalat-kalat. Hindi natin batid kung isa na pala sakanila ay kabilang sa nagsunog ng ari-arian, nangikil o ‘di kaya ay kabilang sa mga pumatay ng sundalo at sibilyan.

Kean R. Bayking
Paco Manila

***

Dear Sir,

Isasagawa pa rin ang Joint Balikatan Exercises ng tropang Amerikano at ating mga sundalo sa susunod sa buwan ng Abril at nakatakda sa May 19, 2017 ang closing ceremony nito. Nagpahayag si AFP chief of Staff, Gen. Eduardo Ano na hindi ito mababago dahil bahagi ito ng kasunduan para sa pagpapaunlad ng kapabilidad pang seguridad maging sa dissaster and humanitarian assistance ng parehong grupo.

Tama lamang na hindi madamay ang Balikatan Exercises sa desisyon ni Pangulong ­Rodrigo Duterte dahil sa hindi nito pagkakaunawaan sa Amerika. Sa panahon ngayon kung kailan aktibo ang mga rebel­deng grupo tulad ng NPA, Maute Group at Abu ­Sayyaf kailangan na mas madagdagan pa ang ­kaalaman ng ating hukbong sandatahan kung paano sila masasawata.

Nikki R. Pabulayan
Fort Bonifacio Taguig

Related Posts

***

Dear Sir,

Ayon kay Randy Malayao, consultant ng ­National Democratic Front of the Philippines may posibilidad na magdeklara ng unilateral ceasefire ang komunis­tang grupo para sa pagpapatuloy ng peace talks. Ito ay bilang patunay ng kanilang sinseridad para sa usapang pangkapayapaan na gaganapin sa The Netherland mula Abril 2 hanggang 7.

Mayroon pa ba tayong dapat asahan sa sinasabing ceasefire na paulit ulit din naman nilalabag ng New People’s Army? Kung nais ng Communist ­Party of the Philippines at NDF na ipatupad ang ceasefire para sa peace talk, dapat ay makontrol din nila ang kanilang mga galamay sa NPA. Palpak pa rin ang kalalabasan n’yan kung hindi nila kayang pasunurin ang mga nasa ilalim ng kanilang organisasyon. Nagsasayang lang tayo ng panahon maging sa mga sentimiyento ng mga makakaliwang grupo.

Jersan R. Arguilles
Mindoro

***

Dear Sir,

Kinilala ng United Nations (UN) ang Benham Rise na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas kaya naman tama lamang na manindigan at ilaban ito ng ating bansa. Matapos ang pahayag ng China na walang karapatan ang Pilipinas na solohin ang nasabing te­ritoryo iniutos ni Pangulong Duterte na mag-tayo ng istraktura rito. Ayon pa sa mga mambabatas dapat na bigyang pansin ito dahil hindi malayong pag interesan ito ng bansang gahaman sa mga teritoryong ­hitik sa likas yaman.

Kinakailangan na palakasin pa ang kapabilidad ng ‘Pinas na ilaban ang karapatan sa airspace at territorial waters sa West Philippine Sea kabilang na ang Benham Rise.

Ann R. Aquino
Cavite

***

Meron ba kayong saloobin na gustong iparating sa patnugutan ng ABANTE o gustong ipaalam sa gobyerno sa pamama­gitan ng inyong lingkod na dyaryong ito? Ipadala lamang sa email address na ito:

abante_editor@yahoo.com

Importante: Opsyon ng nagpadala kung hindi ipapabanggit ang kanyang pangalan at iba pang impormasyon sa publikasyon ng sulat, pero kailangang nasa email ang kumpletong pangalan, contact number at address (for Abante file purposes). — Editor