Una sa Balita

LETTER TO THE EDITOR – 03/04/2017

0 3

Dear Sir,

Nagpahayag ng pagkundena sa pamahalaang Duterte at sa militar si Karapatan Spokesperson Christina Palabay. Hinihikayat nito ang gobyerno na irespeto ang probisyon ng International Covenant of Children’s Rights na nagbabawal sa paggamit ng mga educational institution sa mga military operations. Nadadamay at nata-trauma umano ang mga kabataang naiipit sa bakbakan ng rebeldeng grupo ng New People’s Army sa AFP nang idineklara ni Pangulong Duterte ang ‘all out war”.

Tila nagiging “one si­ded” ang pag-iisip ni Sec. Palabay. Bago niya sana isisi ang lahat sa gobyerno at mga sundalo ang mga nagaganap na engkwentro, alamin niya muna ang malalim na rason kung bakit kinakaila­ngan ng ating gobyerno na ituloy ang pagtugis sa mga teroristang ito. Kung hindi dahil sa mga NPA na namemerwisyo at pumapatay ng mga inosenteng sibilyan, kabataan at mga sundalong kapwa rin naman nila Pilipino, hindi magmamaniobra ang militar. Kung hindi aaksyon ang gobyerno sa tulong ng AFP, lalaganap ang mga iligal na aktibidad ng mga ito. Bakit kaya hindi niya rin subukang manawagan sa NPA?

Dana R. Del Rosario
Daet, Camarines Norte

***

Meron ba kayong saloobin na gustong iparating sa patnugutan ng ABANTE o gustong ipaalam sa gobyerno sa pamama­gitan ng inyong lingkod na dyaryong ito? Ipadala lamang sa email address na ito:

abante_editor@yahoo.com

Importante: Ops­yon ng nagpadala kung hindi ipapabanggit ang kanyang pangalan at iba pang impormas­yon sa publikasyon ng sulat, pero kailangang nasa email ang kumpletong pangalan, contact number at address (for Abante file purposes). — Editor