Una sa Balita

Obligasyon mong ibalik ang pera ng financier

By
0 30

Dear Atty. Claire,

Gusto ko lang po hu­mingi ng tulong kasi po may nag-offer sa akin. Magnenegosyo daw kami nang pautang, nag-start na po kami. Sa kasawiang pala­d po ay naloko po ako. Sabi po nang nangutang sa akin na pinautang niya daw po ang pera kaya po hind­i ako nagtaka na aabot na 250k ‘yong nakuha na niya.

Pati po ­sarili kong pera naibiga­y ko po sa kanya dahil isasa­uli lang daw kinabukasan. Pero hindi na po siya nakapagbayad dahil daw po nagamit niya sa pagkakasunod-sunod na pagkasakit ng kanyang anak kaya ‘yung humihiram siya sa iba na may interest para ibayad sa akin tapos mag-re-renew na naman para ibayad sa inutangan niya.

Abante Hiring – IT dep

Pinaikot-ikot lang niya ang pera. Ayon po nagalit ang may-ari nang pera dahil hindi ko sinab­i na isang tao lang ang pinautang ko ng pera. Ang gusto po nang may-ari ay kaming dalawa ng may utang ang pababayarin pero wala naman po talaga akong nagamit kahit piso sa pera na ‘yun.

Pati po pera ko ay nabiktima rin naman. Ano po kailangan kong gawin? Dapat po ba talaga akong magbayad kasi pinipilit niya po ako.

Salamat po,
Shiela

Ms. Shiela,

Tandaan mo na nagtiwala sa iyo ang taong ­nagyaya sa iyo ng negosyo ng pagpapautang. Nakuha mo ang pera at ipinautang mo naman ito. Sa sitwasyon ­ninyo ay lumalabas na ikaw ay kanyang ahente na pinagkatiwalaan ng pera na siya mong ipapautang sa iba ng may interes. Sa interes na kikitain kayo maghahati dahil sa iyong naging trabaho. At ito naman ay ginawa mo pero sa iisang tao mo lamang ipinahiram ang pera ngunit hindi na naibalik pa ang halaga.

Dahil dito ay may obli­gasyon kang ibali­k ang binigay sa iyo ng financier mo kasama pati ang interest nito dahil hindi naman niya na­ging katransaksyon ang umutang sa iyo. Kahit na wala kang napakina­bangan sa pera ay obliga­syon mo pa rin na ibalik ito sa nag­tiwala sa iyo.

Ang dapat mong gawin ay sampahan mo ng kaso ang taong nanloko sa iyo upang makasingil kayo o mapilitan siyang bayaran ang lahat ng nakuha niyang pera sa iyo. Ang nagbi­gay naman sa iyo ng pera o ang financier mo ay maaari kang sampahan ng civil case for collection of sum of money at hindi isang criminal complaint for ESTAFA dahil mapapatunayan­ mo na hindi mo siya niloko at nagkaroon lamang ng hindi pagtupad sa kasunduaan o breach of contract.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o 922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com