Una sa Balita

#LetJordanPlay sigaw ng mga pinoy hoops fan

0 649

KASUNOD ng pagsampang muli ng Team Pilipinas sa FIBA World Cup 2019 sa China sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15, umusok naman sa social media ang #LetJordanPlay sa World Cup bilang panawagan sa FIBA na kilalaning bilang Pilipino at hindi naturalized ang Cleveland Cavaliers star.

Sinindihan pa mismo ni Clarkson ang panawagang ito ng mga Pinoy basketball fan kasunod ng pag-apela rin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa FIBA kaugnay sa eligibility rules sa torneo.

Nitong Martes ay binati ni Clarkson ang Team Pilipinas matapos ang 93-75 tagumpay sa Kazakshtan upang mapormalisa ang muling pagtuntong sa kada-apa­t na taong basketball event.

“Such a honor for the country, qualifyin­g for the world cup, so hyped!!! hope to see you guys in china!!!,” sabi ng 26-year-old sa kanyang Instagram post.

Ang Pinoy basketball fans, agad na sumang-ayon na palaruin ng FIBA si Clarkson sa pagamit ng #LetJordanPlay sa kanilang mga social media post.

Sabi ni Twitter user @RakiRockefeller, “He (Clarkson) should be the face of that tournament. As early as now, FIBA should ease him into that role.”

Si @yayivaldez1, hindi natututwa sa rules ng FIBA. “The current @FIBA rule is downright absurd. #LetJordanPlay,” aniya.
Hirit naman ni @iamkathsantos sa FIBA, payagang maglaro si Clarkson. “Make it happen…. #LETJORDANPLAY #GilasPilipinas #ParaSaBayan #Puso #Filipino

Base sa rules ng FIBA, isang naturalized player lamang ang papayagang maglaro. Si Andray Blatche na ang naturalized player ng Team Pilipinas, habang si Clarkson, base sa rules ng FIBA ay nasa kategoryang natura­lized dahil nakakuha lamang siya ng passport pagkalipas ng kanyang ika-16 na taon.

Ito mismo ang iaapela ng SBP sa FIBA na pinaninindigang isang Pinoy ‘by blood under local laws’ si Clarkson dahil mayroon na umano itong passport bago siya mag-16 years old.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy