Una sa Balita

Let’s fix our criminal justice system! — De Lima

By
0 2

Palakasin ang criminal justice system at itaguyod ang karapatang pantao sa bansa.

Iyan ang tema ng u­nang batch ng mga panukalang ihahain ni Se­nator-elect Leila de Lima sa Senado matapos itong manumpa kahapon kay Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno bilang bagong halal na senador.

Tutol din ang dating Justice secretary sa panukalang ibaba ang edad ng criminal liability sa 12-anyos mula sa dating 15 taong gulang.

Nais naman nitong isulong ang pagpapataw ng mas mabigat ng multa at parusa laban sa mga magulang at kriminal na gumagamit sa mga bata sa kanilang iligal na gawain.

“The children are among the marginalized. This bill will place accountability where it is most just: On the shoulders of predators,” sabi ni De Lima.

Dahil kontra rin siya na ibalik ang parusang kamatayan, plano nitong maghain ng panukalang magkaroon na lang ng ‘qualified reclusion perpetua’ o pagkakulong na 20 hanggang 40 taon, para sa mga karumal-dumal na krimen.

“Death penalty, even if severe, is no deterrent to crime. The cases that do get filed undergo so many years of trial, and even then, a conviction is not guaranteed,” sabi ng senadora.

“Let’s fix first our criminal justice system to ensure swift delivery of justice,” dagdag pa nito.

Plano rin ni De Lima na muling ihain ang mga panukalang ginawa noon ni Vice President Leni Robredo noong miyembro pa ito ng Kamara, tulad ng modernisasyon ng Philippine National Railways (PNR) at palakasin ang antas ng barangay.

Nais din nitong bigyan ng buwanang allowance, trainings, health coverage at libreng legal services ang mga opisyal ng barangay.