Una sa Balita

Leptospirosis outbreak sa Metro Manila

By
0 767

IDINEKLARA na ng De­partment of Health (DOH), ang leptospirosis outbreak sa may pitong lungsod sa Metro Manila matapos nitong maabot ang ‘epidemic threshold’.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, kabilang na dito ang 8 barangay sa Quezon City, Taguig, Pasig, Parañaque, Navotas, Mandaluyong, at Malabon.

Ayon kay Duque, pinakamataas nga­yong taon ang naitalang kaso ng leptospirosis kum­para sa nakalipas na limang taon.

Kabilang naman sa mga barangay na apek­tado sa Quezon City ang Bagbag, Baging Silangan, Batasan Hills, Commonwealth, Novaliches proper, Payatas, Pinyahan, at Vasra.

Habang sa Taguig City naman ay ang Lower Bicutan, Western Bicutan, Maharlika Village, at Signal Village.

Nabatid na naitala ng DOH ang 60% kaso ng leptosporosis at 38 ang nasawi mula nitong Hulyo 1.

Habang sa buong bansa ay naitala ng DOH ang 41% pagtaas sa leptosporosis mula noong Hunyo 16 na may kabuuang kaso na 1,040.

Isinisi ni Duque sa mga pag-ulan at mga hindi nakokolektang mga basura sa mga barangay ang sanhi ng leptospirosis.

Sanhi nito, pinayuhan ni Duque ang mga Local Government Unit (LGU) na kolektahing mabuti ang mga basura at patuyuin ang mga posibleng kontaminadong tubig.

Pinaalala din ni Duque ang publiko na nagagamot ang leptos­pirosis kapag naagapan ang paggamot dito kaya kapag nakaramdam ng sintomas ay kaagad na komunsulta sa doktor.