Una sa Balita

Leonard sa mga kakampi: Kumpiyansa lang, atin ‘to!

0 310

ABOT-KAMAY ng Toronto Raptors ang unang kampeonato, sa final second.

Isang basket na lang, tatapusin nila ang dalawang taong paghahari ng Golden State Warriors.

Pero pumaling ang buzzer-beating corner shot ni Kyle Lowry, inabot ng dulo ng daliri ni Draymond Green at nag-iba ang direksiyon ng bola.
Mintis. Buzzer. Golden State 106, Toronto 105.

May Game 6, sa Oakland, sa huling laro ng Warriors sa Oracle Arena. Bukas.
Ngayon ay kailangang mag-regroup ng Raptors, kahit lamang pa rin sa series 3-2.

Dalawang beses nanalo ang Toronto sa Oracle, Games 3 at 4. Kilalang pinakamaingay sa NBA ang arena, pero hindi nabahag ang buntot ng Raptors.

“It’s not going to be easy, stay confident,” ani Kawhi Leonard sa kanyang teammates pagkatapos matalo noong Lunes. “We know we can win, and that’s it.”

May dalawang tsansa pa ang Raptors.
Matalo man sa Game 6, babalik ng Toronto ang Game 7. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy