Una sa Balita

Leonard nagsalansan ng career-high 45 pts

By
0 267

SOBRANG angas ng inilaro ni Kawhi Leonard nitong Martes, pati si Toronto Raptors coach Nick Nurse ay nanood na.

Umiskor si ­Leonard ng career-high 45 points, career-best din ang 28 points ni Pascal Siakam na nagbaba pa ng 10 rebounds, at inalpasan ng Raptors ang Utah Jazz, 122-116.

“That’s good, we all got to witness that live and in person,” wika ni Nurse sa pasabog ni Leonard. “He was phenomenal.”

Umayuda ng season-high 14 points si Norman Powell sa pang-­apat na panalo ng Raptors sa sariling teritoryo kahit wala sina All-Star guard Kyle Lowry (sore back) at center Jonas Valanciunas (dislocated left thumb).

Mula sa field ay 16-of-22 si Leonard bagama’t walang naipasok sa tatlong bitaw sa 3-point range, at 13-for-17 sa free throw line. Pagkatapos ng laro ay saka pa lang daw niya nalaman ang scoring achievement.

“I try to stay in the moment and keep competing every possession and not worry about myself, just try to get a team win,” aniya.
Nilista ni Leo­nard ang pangatlong 40-point game ng career, kasama ang 43-point explosion kontra Memphis sa Game 4 ng first round noong 2017. Umiskor na si Leonard ng 20 o higit pa sa career-best 14 straight games.

Career-high 30 points ang kinamada ni Jae Crowder sa Jazz, may 21 si Derrick Favors at 19 kay Donovan Mitchell.