Una sa Balita

Leonard ‘Hari ng Norte’

0 314

PINANGATAWANAN ni Kawhi Leonard ang tawag sa kanya sa Toronto bilang ‘King of the North’ ngayon.

Sa una niyang season­ sa Toronto, binitbit ni Leonard ang Raptors sa kauna-unahang NBA title 24 years matapos pumasok sa liga.

Itinumba ng Raptors ang two-time defending champion Golden State sa anim na laro, huli ang 114-110 victory Miyerkoles ng gabi sa Oracle Arena na sinelyuhan ng technical free throw at dalawang freebies ni Leonard.

Sa pangalawang pagkakataon, tinanggap ni Leonard mula kay Bill Russell ang NBA Finals MVP award. Una niya itong itinaas sa San Antonio noong 2014. Nag-ave­rage si Leonard ng 28.5 points sa six-game finals.

Sa bihirang pagkaka­taon, ngumiti si Leonard sa court. At nagsalita.

“This is what I play basketball for,” aniya. “This is what I work out for.”
Ang King of the North, King of the Playoffs din. Pangatlong player lang siya na tinanghal na Finals MVP sa dalawang prangkisa, kasunod nina Kareem Abdul-Jabbar at LeBron James.

Si Kawhi, NBA champion sa West at NBA champion sa East.
“I think he’s the best two-way basketball player in the NBA,” wika ni Raptors guard Kyle Lowry. “He just goes. You know, I’ve seen some stuff from him this year that you just say, ‘Wow.’” (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy