Una sa Balita

Leo A. top 2 ang pakay; Leo I. iwas pa sa hukay

By
0 1,785

STANDINGS

TEAMS W L

San Miguel 6 1

Magnolia 6 2

Alaska 6 2

Rain or Shine 4 3

Phoenix 4 4

Ginebra 4 4

TNT KaTropa 4 4

NLEX 3 4

GlobalPort 3 4

Meralco 2 5

Blackwater 2 5

Kia 1 7

Mga laro ngayon:

(Cuneta Astrodome)

4:30 pm – San Miguel vs Blackwater

7:00 pm – NLEX vs Meralco

SALPUKAN ng dalawang Leo ngayon sa nasa rematehan nang 43rd PBA Philippine Cup eliminations na magagawi sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Iisa lang ang misyon nina coaches Leo Austria ng San Miguel at Leo Isaac ng Blackwater sa pagtutuos sa alas-4:30 ng hapon. Alas-7:00 ng gabi toka ang hamukang NLEX (3-4)-Meralco (2-5).

Alam ni coach Austria na isang sagabal din ang Elite sa kanila sa hinahabol na top two finish sa next phase kaya naman tutok ito para sa panalo.

“Very important para sa amin ang game na ito that’s why ang sabi ko nga sa team ko we have to be on our toes kasi nga kayang-kaya ng Blackwater to spring any surprise against us,” bigkas ng Beermen coach.

Aniya, kailangan nilang maipanalo ito at ang susunod nilang laro para makamit ang Top 2 at magkaroon ng twice-to-beat advantage sa quarter finals.

“Kapag nanalo kami sa Blackwater and then Alaska (next Saturday in Batangas City) then malamang na nasa top two na kami,” panapos ni Austria, na buhat sa paglantak sa Magnolia.

Kinakailangan naman ni Isaac at ng kanyang Elite na maipanalo ang apat na natitirang laro para magkatsansang makasama sa walong papasok ng quarters. Isang talo lang ay nangangahulugan na isa na sila sa maagang malalaglag sa torneo.

“We will come to the game against SMB tomorrow prepared and get a win to end our downslide,” talak ni Isaac, na nasa apat na dikit na semplang.

Sina Alex Cabagnot at Gabby Espinas ay hindi pa rin makakapaglaro kaya maghahanap ang SMB ng paghuhugutan ng opensa kahit pa nandiyan si June Mar Fajardo na nag-a-average ng 25.7 points, 13.1 rebounds at 66.7% field goal percentage. (Christian Cortez)