Una sa Balita

Leni sibak ‘pag dumaldal pa — Digong

0 590

NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin niya sa puwesto si Vice President Leni Robredo bilang co-chairman ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) kapag idinaldal nito ang isang ‘classified matters’ ng gobyerno na maaaring maging daan para manganib ang bansa.

Sa isang exclusive interview ni GMA News Marisol Abdurahman sa Balitanghali Weekend, natanong ang Pangu­lo sa ginawang pakikipagpulong ni Robredo sa United National Office on Drugs and Crime (UNODC), isang community–based advocacy group at mga US Embassy official kaugnay ng problema sa droga ng bansa.

“There’s a limit to that. I know that she’s a lawyer and she has others­ advisers. There are certain matters that should be kept with the government, that classified matters cannot be shared. Once (she does) that, she’s out, I would fire her. Because you jeopardized the security of the state,’ sabi ng Pangulo.

Inamin din ng Pangulo sa interview na mayroon siyang sakit na dala ng kanyang katandaan.

“Lahat ng sakit, nandito na sa akin kase matanda na ako. Kung sabihin mo, Okay ka ba president? Are you in the best of health ? Of course not, I am old, life has begun to take its toll on my health. At kung sabihin mong may sakit ako, meron. You name it, I have it. Para wala na lang debate,” lahad ng Pangulo.

Ilang araw nang hindi nagpakikita ang Pangulo. Dumalaw ito sa eastern Samar noong Biyernes upang personal makiramay sa naulilang pamilya ng mga sundalong napatay sa NPA encounter.

Bilang Commander in Chief ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sinaluduhan ng Pangulo ang mga nasawing sundalo makaraang masabugan ng improvised explosive device.

Nagkaloob din ng tulong pinansyal ang Pangulo sa pamilya ng mga biktima. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy