Una sa Balita

Leni sasabak sa drug ops

0 509

HANDANG sumabak si Vice President Leni Robredo sa mga drug operation makaraang tanggapin ang hamon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino, bilang co-chairman ng Inter-agency Committee Against Illegal Drugs (ICAD) .

Ito ay matapos makipagpulong ni Robredo sa ibang miyembro ng CAD sa Office of the Vice President sa Quezon City kahapon.

“Okay iyong meeting namin today. In our coming meetings, I hope mas maraming matutunan si Vice President on law enforcement,” sabi ni Aquino sa joint press conference kasama si Robredo.

“Kaya ma’am, I would ask you to join one of our ope­rations. I will be there, together with you,” dagdag ni Aquino.

Inimbitahan ng PDEA chief ang Bise Presidente na sumama sa PDEA mula planning stage hanggang sa aktuwal na drug operation.

“Para ma-feel po ninyo kung paano po ang ginagawa ng ating law enforcement agents. Challenge ko po sa inyo, para kung meron kaming lapses, defects, makikita ninyo,” sabi ni Aquino.

Aniya, bibigyan niya ng pagkakataon si VP Leni na malaman ang katotohanan sa likod ng illegal drug ng gobyerno sa halip na maging limitado lamang sa mga testimonya kaugnay ng drug war.

“Para po makita ninyo ang actual operation, hindi lang po sa dahil sinabi ni ganito o ganyan,” turan ni Aquino.

Tinanggap naman ni Robredo ang challenge. “Gustong-gusto ko iyan,” sabi pa nito.

Sinabi ni Robredo na hindi niya minasama ang u­nang pahayag noon ni Aquino sa kanyang ‘lack of competence’ bilang anti-drug czar.

“I assured Director General Aquino not to worry about that… Huwag na pag-usapan iyong mga nasabi before moving forward,” tugon ng VP Leni.

“We want to improve the policy, and I was clear that I don’t like that the anti-drug campaign is victimizing the poor,” tugon naman ni Aquino.

Ito ang unang pagkakataon na nakausap ni Aquino ang Bise Presidente kung saan sila nagkasundo.

“It is the first time I saw her. I never had the chance to talk to her before, so definitely I felt awkward kanina. Pero ngayon, medyo at home na ako sa kanya,” sabi ni pa Aquino na may kasamang ngiti.

Sa kanyang unang pulong bilang co-chairman ng Inter-agency Committee Against Illegal Drugs (ICAD), marching order ni Vice President Robredo na itigil ang senseless killing sa drug on war o mas kilala sa tawag na Tokhang.

Ayon kay Robredo, dapat magtulungan ang mga ICAD member agencies para matigil ang patayan, maaari umano na magtagumpay ang campaign against drug kahit walang bloodshed o pagdanak ng dugo. (Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy