Una sa Balita

Leni sa mga sinungaling na politiko: Huwag kumandidato

By
0 580

PINATUTSADAHAN ni Vice President Leni Robredo ang mga kandidato ngayong eleksyon na mainam na huwag nang isiping maglingkod sa bayan kung wala sa kanilang karakter ang pagiging matapat.

Ayon kay Robredo malaking factor ang pagiging tapat at ang ugaling ito ay dapat nasa taong naghahangad na maglingkod sa bayan.

“Iyong honesty, napakalaking factor sa integrity ng isang tao. Kung wala kang ganoon, dapat hindi mo nga iniisip maglingkod kasi papaano ka makakapaglingkod kung may problema ka sa sarili mo? ”paliwanag ni Robredo.

Ani Robredo nakalulungkot na ang sentro ng nagiging debate sa ngayon ay ang usapin ng kung dapat bang hones­t o hindi ang isang kandidato, giit ng Pangalawang Pangulo, walang dapat na pagtalunan dito dahil umpisa pa lamang ay ito na ang dapat na karakter na taglay ng isang naghahangad na magserbisyo sa bayan.

Tinuring din ni Robredo na insulto sa mga botante kung ang mga sinasabi lamang ng mga kandidato sa kanilang pangangampanya ay kasinungalingan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy