Leni camp: Wala pang nanalo sa recount

By

Kumpiyansa ang kampo ni Vice President Leni Robredo na mabibigo si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na maagaw ang Office of the Vice President dahil wala pa umanong nananalo sa recount.

Sa panayam kay Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Robredo, sinabi nito na mali rin ang paniniwala ni Marcos na magsisimula na sa lalong madaling panahon ang recount sa tatlong probinsya na tinukoy nito sa kanyang election protest laban sa Bise Presidente.

“Sinabi ko nga na naghihingalo na ang protestang iyan ni Mr. Marcos, kasi wala pang nanalong election protest sa pamamagitan ng recount ng mga balota,” ani Macalintal. 

SHARE