Una sa Balita

Leni camp nilinaw ang Cagayan visit

By
0 1

Ikinalungkot ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang mga batikos ng mga kritiko nito tulad ni Mocha Uson sa pagbisi­ta nito sa Cagayan at Isabela na labis na sinalanta ng super typhoon Lawin subalit ayaw umano ng mga ito na magpaapekto.

Sa panayam kay G­eorgina Hernandez, spokesperson ni Robredo, binigyang diin nito na may mandato si Robredo na puntahan ang mga lugar na nasalanta ng kalamidad bilang Pangalawang Pangulo at chairperson ng Housing and Urban Development Coordina­ting Council (HUDCC).

“Ikinalulungkot natin ang mga ganitong kumento dahil may mandato po ang ating bise presidente na pumunta sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo,” pahayag ni H­ernandez.

Magugunita agad na nagtungo sa Cagayan at Isabela si Robredo pagkarating na pagkarating nito sa bansa mula sa Ecuador para mag-inspeksyon sa mga nabanggit na lalawigan na pinadapa ng bagyong Lawin.

Gayunpaman, dahil walang dalang mga relief goods si Robredo ay binatikos ito ng kanyang mga kritiko.

“Bilang HUDCC Chair, may kinalaman po ito sa mga pabahay. Kaya pumunta po si VP Leni sa Isabela at sa Cagayan, upang makiisa sa mga pamilya at mga komunidad na natamaan ng bagyong Lawin at personal na makita ang damage at agad niya itong iniugnay sa Pag-IBIG dahil marami pong mga mangangailangan ngayon ng calamity loan,” ani Hernandez.