Una sa Balita

Lending manager sa Pangasinan napuruhan sa motorcycle accident

By
0 630

TODAS ang isang lending manager matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa nakaparadang cargo truck sa San Jacinto, Pangasi­nan noong Huwebes nang gabi.

Kinilala ni San Jacinto Police Station (SJPS) Investigator PO3 Rogelio Catabay ang biktima na si Severino Dacanay, 34, nakatira sa nasabing bayan.

Sinabi ni Catabay sa Abante, nangyari ang insidente dakong alas-8:15 nang gabi sa may Barangay Sta. Maria sa nasabing bayan.

Tinatahak umano ng biktima ang kalsada ng barangay kasunod ang kanyang collector na si Glonard Salcedo, nang biglang mawalan ng kontrol si Dacanay at bumangga ito sa likod ng nakaparadang cargo truck.

Sa lakas ng pagkakabangga ng biktima, nabasag ang bungo at nagkabali-bali ang buto sa katawan nito sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Samantala, ang kolektor na si Salcedo ay nagtamo ng minor injury matapos mag-slide ang kanyang motorsiklo para maiwasan ang biktima.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy