Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lending boss inambus

0 41

Kritikal ang isang lending manager matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sa Malabon City, Lunes ng gabi.

Ginagamot ngayon sa Chinese General Hospital si Allan Cruz, 50, may asawa, taga-#49 Rosal Street, Barangay Tanza, Navotas City, sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Ayon sa pulisya, alas-10:45 ng gabi, minamaneho ng biktima ang kanyang kotse sa M. Sioson St., corner Road 25, Barangay Dampalit, Malabon City nang mangyari ang insidente.

Dahil trapik, pansamantalang huminto ang sasakyan ng biktima hanggang sa lumapit ang dalawang lalaki sa drivers side at tatlong beses pinaputukan si Cruz ng isa sa suspek.

Kahit duguan, napaandar pa ng biktima ang sasakyan at nagpasaklolo. Rumesponde ang mga tauhan ng Sub-Station 6 ng Malabon Police pero nakaeskapo na ang mga salarin.

Iniimbestigahan ngayon kung may kinalaman sa hanapbuhay ni Cruz ang pamamaril. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.