Una sa Balita

‘Legends Face-Off’ didribol

0 360

MATAPOS ang matagumpay na Return of the Rivals basketball tournament noong Peb­rero, didribol naman ang UNTV Cup PBA Legends Face-Off sa Hunyo 2 sa Pasig City Sports Center.

Ang isang buwang tournament na ito ay katatampukan ng mga rival team noon sa PBA sa pagitan ng Ginebra at Purefoods at ng San Miguel at Alaska.

Ang premyong P2 million sa magkakampeon­ ay mapupunta sa PBA Legends Foundation.

Ito na ang ikaapat na beses na nag-host ng ganitong klaseng torneo ang UNTV – na ang unang­ beneficiary nila ay si Samboy Lim ng San Miguel Beer.

Nagbigay ng P1 million si UNTV Cup founder Daniel Razon sa foundation bilang tulong sa mga dating professional basketball players na may karamdaman.

Ibabandera ng San Miguel sina Allan Caidic,­ Ato Agustin, Dondon Hontiveros, Danny Ildefonso at Olsen Racela at sa Alaska naman ay may Johnny Abarrientos, Willie Miller­ at Kenneth Duremdes kasama Bong Hawkins, Jeffrey Caria­so at Jojo Lastimosa.

Mangunguna naman para sa Purefoods sina Alvin Patrimonio, Jerry Codinera, Bong Rave­na, Dindo Pumaren at Roger Yap habang sina Jayjay Helterbrand, Bal David, Pido Jarencio, Vince Hizon, Marlou Aquino at Rudy Distrito ang babandera sa Ginebra. (Fergus Josue, Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy