Una sa Balita

Legaspi: GSDF dog show kasado

0 155

HIGIT 100 German Shepherd dogs mula iba’t ibang panig ng bansa ang eeksena sa pa-dog show ng German Shepherd Dog Federation of the Philippines (GSDF) ngayong Linggo sa Ayala Alabang Polo Club.

Ayon kay Alex Avisado, pangulo ng GSDF, inaasahang magpapasiklaban na naman sa tikas at ganda ang mga alagang German Shepherd, na ang karamihan ay inimport pa mula sa Europa at Amerika.

“Aming inaanyayahan ang lahat ng ating mga kababayan na saksihan at panuorin ang naka-iskesyul na dog show sa darating na Linggo,” sambit ni Avisado.

Tiniyak naman ng media officer ng GSDF na si Dennis E. Legaspi na magiging patas at kapana-panabik ang magiging paghatol ng napili nilang hurado sa katauhan ni Ginoong Bernardo ‘Junn’ Vergara.

“Napakalawak ng karanasan sa pagbi-breed ng aso ng ating hurado kung kaya’t nakasisiguro ako na maraming matututunan ang mga dadalo sa naturang dog show,” ani Legaspi.

Dagdag pa ni Legaspi, ang GSDF ang kaisa-isang lehitimo at prestihiyosong organisasyon ng mga German Shepherd owners sa bansa na kinikilala sa buong mundo.

Ilan sa mga tanyag na personalidad na sumasali sa dog show sina Alex Tanwangco, Joey Madlambayan, Atty. Jesse Andres, Santi Consunji, Mark Ballesteros, Patrick E Puno, Atty. Leo Escalona, Kelly Fonacier, Paul San Juan, Chess Bulaon, Cesar Fabunan, Ariel Alegre at Benedict Miranda.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy