Una sa Balita

Legarda todo lako kay Du30 sa Paris Agreement

By
0 2

Todo ang pakiusap kahapon ni Senador Loren Legarda sa Pangulo na kila­lanin at tumalima sa nilagdaang Paris Agreement on Climate Change dahil napakahalaga umano nito para sa bansa na isa sa mga pangunahing tinatamaan ng epekto ng climate change.

“The Paris Agreement is very important for the Philippines, being one of the most vulnerable nations to the impacts of climate change. We need to ratify the Agreement so that we can access the Green Climate Fund.

This is what we have been waiting for—for developed countries that are the biggest emitters of greenhouse gases (GHG) to aid vulnerable, low-emitting nations like the Philippines. The Paris Agreement addresses the issue of climate justice, which is the President’s concern,” paliwa­nag pa ni Legarda, Chair of the Senate Committee on Climate Change.

Giit ng senadora, mahalaga umano ang kasunduang ito sa isinusulong na sustainable development and climate at disaster resilience ng pamahalaan.

Bukod dito, wala namang probisyon sa kasunduan na pipigilan na ang bansa sa industrialization kung kaya’t walang mawawala rito sa bansa bagkus ito’y magiging kapaki-pakinabang.

Una nang sinabi ng Pangulo na hindi niya kikilalanin ang naturang kasunduan na nilagdaan ng Pilipinas kasama na ang nasa 200 bansa noong nakaraang Disyembre sa Paris, France dahil hindi naman umano makaka­tulong sa pag-asenso ng bansa ang naturang tratado.