Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Legarda pandemic exit plan: Trabaho, palakasin mga negosyo

0 165

Nanawagan si senatorial candidate Loren Legarda sa pamahalaan na tugunan ang unemployment o kawalan ng trabaho at isulong ang pagpapaunlad bilang bahagi ng exit plan ngayong pandemya.

“Unti-unti na pong bumabangon ang ating bansa mula sa pandemya at sunod-sunod na kalamidad. Mula 7.3 million na Pilipinong walang trabaho sa kasagsagan ng pandemya noong April 2020, malaki na po ang ibinaba ng statistics sa kasalukuyang 2.93 million,” sabi ni Legarda sa kanyang pagbisita sa Cavite.

“However, 2.93 million unemployed Filipinos is still a big number and the fact remains that this is one of the major problems that need to be addressed urgently. We have to strengthen efforts in generating more jobs for our growing population,” dagdag pa kongresista ng Antique.

Para matugunan ito, muling inilunsad ni Legarda ang `LOREN sa bawat barangay program’ bilang paraan para mapalakas ang pagsulong at maayos na pagpapatupad ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) Law at Barangay Livelihood and Skills Training Act na kanyang iniakda sa Senado.

“Kaya hinihikayat ko ang ang lokal na pamahalaan ng Cavite na makiisa sa aking pagsusulong na paigtingin ang mga programang pangkabuhayan sa bawat barangay. Kailangan nating mailapit ang mga programa ng pamahalaan sa ating mga mamamayan,” ayon kay Legarda.

Sabi pa ni Legarda, ang sustainable development at pagsulong ng pagkakaroon ng trabaho ay naka-embed sa pagsisikap ng gobyerno para mapaganda ang employment statistics ng bansa. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.