Una sa Balita

Legalidad ng Manila Cockers Club pinagtibay ng Makati City RTC

0 392

NAGLABAS na ng ruling ang Makati City Regional Trial Court na nagsasabi na ang operasyon ng Off-Cockpit Betting Station (OCBS) ng Manila Cockers Club, Inc. (MCCI) ay legal dahil nasa ilalim ito ng Cockfighting­ Law of 1974 na inamyendahan ng Local Government Code of 1991.

Sinabi rin ng korte na walang kapangyarihan ang Games and Amusements Board (GAB) sa mga regulasyon ng cockfighting sa bansa puwera kung international derbies.

Naglabas din ng Writ of Permanent Injunction ang korte kontra GAB at sa iba pang ‘deputized government agencies and instrumentalities’.
“To permanently enjoin them from directing,­ and/or otherwise causing, the closure (whether temporary or otherwise) or disruption of the operations of all the Off-Cockpit Betting Stations operated by MCCI,” bahagi ng ruling ng Makati RTC.

Ang inilabas na injunction order ay base na rin sa Petition for Injunction na isinampa ng MCCI laban sa GAB, kay chairman Khalil Mitra at sa iba pang ahensya ng gobyerno na nasa ilalim ng pamunuan ng GAB.

Ang legalidad ng operasyon ng OCBS ng MCCI ay pinagtibay ng korte maging ang kapangyarihan ng Local Government Units na payagan at i-regulate ang mga OCBS.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy