Una sa Balita

Legal opinion sa kaso ng Tadeco ilalabas na

By
0 111

Maglalabas ngayong linggo ang Department of Justice (DOJ) ng legal opinion kaugnay ng kontrata sa pagitan ng Bureau of Corrections (BuCor) at Tagum Agricultural Development Co. (Tadeco) na pagmamay-ari ng pamilya ni Davao del Norte 2nd District Rep. Antonio Floirendo Jr.

Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, maaaring bago ang Lenten break ay mailabas na ng kagawaran ang legal opinion nito.

Una nito, noong nakaraang linggo ay binuo ni A­guirre ang isang legal team na pinamumunuan ni Chief State Counsel Ricardo Paras III para silipin ang 25 taong joint venture agreement ng Bucor sa Tadeco sa pag-upa ng 5,300 ektarya ng Davao prison and penal farm.

Kabilang sa nasabing legal team ay sina Technical Staff Director Ma. Charina Buena-Dy Po, State Counsels Precious Pojas, Melvin Suarez, Noel Adriatico at Catherin Angela Maralit.

Matatandaang kinuwestiyon ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang naturang kasunduan dahil sa umano’y pagkakaroon ng anomalya nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy