Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lee takaw injury, isusubo sa trade

0 308

TULUYAN nang hinahanapan ng makakapalit ang Magnolia Hotshots shooter na si Paul Lee.

Ito ang napag-alaman sa isang manager-agent kahapon matapos malaman nito na nagnanais ang pamunuan ng Magnolia na tuluyan nang bitawan ang “Angas ng Tondo” bago magsimula ang sunod na season.

“I was told the Magnolia management wants to part ways with Paul Lee next season,” sabi ng agent.

Isa sa dahilan ng hinahangad na palitan ay ang pabalik-balik na injury kay Lee kabilang na ang huli niong natamong sakit sa nakaraang semifinals kontra Meralco.

Nanguna ang Magnolia sa eliminasyon at agad na nakapasok sa semifinals bago na lamang napatalsik ng Bolts.

“He (Paul) cannot stay healthy anymore” ayon sa agent patungkol sa pahayag ng opisyales ng Magnolia. “When playoffs comes, he cannot deliver anymore.

Isa sa mga nakausap ang Terrafirma Dyip na nakipagnegosasyon para sa kanilang 2nd pick at ang Northport Batang Pier para kay Bollick o kay Greg Slaughter. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.