Una sa Balita

Lee Seung Gi may hatid na kilig, hiwaga sa mga Pinoy

By
0 1,851

Marami talagang fan si Lee Seung Gi sa Pilipinas, kaya ang ABS-CBN hindi nagda­lawang isip na bilhin ang Korean fantasy drama na Hwayugi: A Korean Odyssey.

Sabi, tamang timpl­a ng hiwaga, kilig, at aksiy­on ang handog ng Korean fantasy drama ni Lee Seung Gi, kasama si Oh Seon-Yo, na magsisimula na sa Lunes (Hulyo 9).

Hango ito sa Chinese classic na ‘Journey to the West’ na tampok ang kakaibang kuwento ng pagmamahalan nina Son Oh-Gong (Seung Gi) at Yumi (Seon-Yo).

Abante Hiring – IT dep

Ito ang pagbabalik-telebisyon sa Pili­pinas ni Seung Gi, na nakilala ng buong bansa bilang leading­ man sa dalawang pinakamalaking Korean drama na umere sa ABS-CBN, ang ‘My Girlfriend is a Gumiho’ at ‘The Love Story of Kang Chi’.

Mula pagkabata, marami nang nakikitang kaluluwa si Yumi kaya hindi siya makasundo ng kanyang mga kababata.


Isang araw, makikilala niya ang pilyong imortal na si Son Oh-gong (Seung Gi), na aksidente niyan­g mapapakawalan mula sa pagkakakulong sa isang marble mountain.

Sa oras na makalabas sila, mangangako si Oh-gong na poprotektahan si Yumi habang ito ay nabubuhay, ngunit paglala­ruan niya ang bata sa pamamagitan ng pagkuha ng alaala ng kanyang pangalan mula kay Yumi.

Paglipas ng 25 na taon, magiging CEO si Yumi ng isang kompanyang nagbebenta ng mga bahay na taglay ang matinding malas. Sa naturang negosyo, magagamit niya naman ang kakayahang makakita ng mga kaluluwa at magagawang mapalayas ang mga ito mula sa mga bahay.

Makikita niyang muli si Oh-gong, na sinusubukang makabalik sa kanyang puwesto sa k­alangitan.