Una sa Balita

Lee, Sangalang, Jalalon, Magnolia pagod na sa talo

0 161

MUKHANG nauubusan na ng laman ang tangke ng Magnolia pagdating­ sa semifinals ng PBA Philippine Cup.

Ramdam na ni coach Chito Victolero ang pagod ng kanyang Hotshots, naiwan ng dalawang laro sa Rain or Shine.

Nasilat ang Magnolia 84-77 sa opener, muling tumukod 93-80 sa Game 2 noong Linggo.

Babalik sila ng Smart Araneta Coliseum mamaya, ibubuhos ang natitira pa sa tangke para sikwatin ang panalo.

Inumpisahan ng Hotshots ang season-opening conference sa 0-3, pero kritikal ang Game 3 dahil race-to-four lang ang semis.

Sa mga nagdaang PBA playoffs, 41 sa 49 teams na umalagwa sa 2-0 lead sa best-of-seven ay nagtuloy para sikwatin ang serye.

Naka-anim na laro na sa nakalipas na 12 araw ang Magnolia.

No. 2 ang Elasto Painters pagkatapos ng eliminations, isang laro lang nila binuno ang quarterfinals. Sa kabilang banda, nasagad sa tatlong laro sa quarters ang Hotshots laban sa Ginebra.

Fourth quarter ng Game 2 ay isa-isa nang inilabas ni Victolero ang kanyang starters.

Mas mahaba ng konti ang pahi­nga nina Paul Lee, Mark Barroca, Jio Jalalon at Ian Sangalang. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy